top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sustento, nabawasan… MGA KAPATID NI POKWANG, AYAW SA DYOWA NIYA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 11, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | January 11, 2022




Sa unang pagkakataon ay umamin si Pokwang na hindi pabor ang mga kapatid niya sa partner niya ngayong si Lee O’Brian sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa YouTube channel nito na in-upload nitong Linggo nang gabi.


Sabi ng komedyana, “Nu’ng dumating si Lee sa amin, hindi sila happy for me na finally, may makakasama akong katuwang sa buhay, hindi sila masaya. Kung anu-ano ang sinasabi nila na parang ‘Bakit kailangan pa ‘yun?’ Hinusgahan nila kaagad ‘yung tao?”


Nag-ugat kasi ito na nabawasan na ang tulong na ibinibigay ni Pokwang sa mga kapatid dahil ang katwiran niya ay may sarili na rin siyang pamilya.


Kinlaro niya kay Ogie na hindi naman niya totally inihinto ang pagbibigay ng tulong.


“Hindi ko rin naman sila matitiis, at the end of the day, kapatid ko pa rin sila, hindi ko sila matitiis, 'di ba?


“Lalo na kapag ganitong may mga okasyon, Pasko o anuman, minsan kapag may birthday, minsan ipinapa-Gcash mo. May kusa naman ako, eh.


“Ayoko lang talaga nu’ng inuunahan ako na buga agad. Teka lang, hindi mo muna tanungin kung magbibigay ba ako o ano at kung kaya ko?


“Inuunahan nila ako, siguro nandoon pa rin sila sa (paniniwala) na mas bata ka sa akin, makinig ka. Tapos na po tayo doon, wala na tayo doon.”


Sundot ni Ogie, “Wala na tayong panga-panganay. Nakarinig ka na rin ba ng ‘Mabuti ka pa sa ibang tao kaysa sa sarili mong pamilya?’


“Me ganu’n. ‘Yung naibigay nila sa ‘yo, hindi nila nakikita ‘yun. ‘Yung one time na tumulong ka, ‘yun agad ang nakikita nila. ‘O, buti pa si ganyan…’


“Sa tingin (nila), kung pabaya akong kapatid, asan kayo ngayon? Kung puro ibang tao ang tinutulungan ko, bakit ganu’n ang sitwasyon natin ngayon? One time mo lang naabutan, feeling nila, habambuhay mo nang tinutulungan ‘yun. Isang beses mo lang naman inano (tinulungan), nagkataon lang na nakita o nalaman,” kuwento ni Pokwang.


Nasabihan na rin daw siyang malaki na ang ulo.


“Kasi may mga gusto silang hindi ko maibigay kasi nga again, meron na akong pamilya. May anak akong binubuhay at hindi porke artista ako, kumikita ako nang malaki, hindi laging ganu’n,” umiiyak na sabi ng aktres.


Dagdag pa, “May mga obligasyon din ako. Hindi naman puwedeng lagi na habambuhay karga-karga ko sila. 'Pag meron naman, nag-aabot naman, 'di ba?


“Alam n’yo naman ‘yung buhay natin, pinagdaanan natin. Hindi naman tayo ipinanganak na mayaman. Ipakita n’yo naman ‘yung kani-kanyang pagsisikap natin.”


Kaya ang payo niya sa mga kapatid ay dapat nagsusuportahan at hindi nagsisiraan dahil kilala nila ang isa’t isa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page