top of page
Search
  • BULGAR

Suspensyon sa dagdag-hulog sa PhilHealth, inaaral pa ni PBBM

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 24, 2024




Inaaral pa rin ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang hirit na suspindihin ang itinataguyod na 5% pagtaas ng premium rates sa PhilHealth.


Ayon sa Presidential Communications Office Secretary na si Cheloy Garafil, hindi pa nagbababa ng desisyon ang Presidente ukol dito.


Saad ni Garafil, nais tiyakin ng Pangulo na ang pagtaas ng PhilHealth premium ay makakadagdag din sa mga benepisyo at coverage ng mga miyembro ng ahensya.


Ito ay matapos ihirit ni Health Sec. Ted Herbosa kay Marcos na ipagpaliban muna ang PhilHealth Premium hike upang mabawasan ang dinadala ng mga miyembro sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page