Suspendido na ang operasyon ng NLEX sa Valenzuela, palakpakan naman d'yan!

ni Ka Ambo - @Bistado | December 14, 2020
Tumataas ang bilang ng nagkaka-COVID.
Huhhh, paano na ang Pasko?
◘◘◘
Umiikot na ang mga kandidato na kasali sa 2022 elections.
Gamit nila ang COVID-19 pandemic sa kunwaring pangungumusta.
Nakakakonsensiya!
◘◘◘
Dumating na ang in-import na attack helicopter ng 'Pinas.
Hindi ito panlaban sa China, panlaban ito sa kapwa Pinoy!
◘◘◘
Hanggang ngayon sinisiraan nila si dating Pangulong Marcos.
Tapos na ang isyung yan.
Naging senador na ang kanyang dalawang anak at natalo naman ang mga maka-komunistang kandidatong kalaban ng mga Marcos!
◘◘◘
Pinagpipilitan ng ilang opisyal ng 'Pinas na dangerous drug ang marijuana.
Hindi yan ang posisyon ng eksperto ng U. S. at WHO!
◘◘◘
Bakit sila magagalit sa halamang natuklasan pinaggagalingan ng gamot?
Kahinaan ng kukote!
◘◘◘
Dalawa ang kapansin-pansing tumutumba-tumba sa kalye.
Una, ang mga maka-komunista.
Ikalawa, ang mga may kaugnayan sa durugista!
◘◘◘
Ano kaya ang senaryo kapag wala na si P-Digong sa puwesto?
Maselan!
◘◘◘
Sinuspinde ang operasyong ng NLEX sa Valenzuela City.
Klap-klap-klap!
◘◘◘
Hindi ba puwedeng isuspinde ng Valenzuela city ang MMDA operation.
Bigo rin kasi ang MMDA na tanggalin ang trapik, eh!
◘◘◘
Marami pa rin ang ospital ng naniningil ng sobra-sobra sa COVID-19 test na may mabilis na resulta.
Pukawnamuuu!
◘◘◘
Bukod sa ospital, nagpapasasa sa tuition fee ang mga pribadong eskuwelahan.
Hindi naman ginagamit ang kanilang pasilidad, pero mataas pa rin ang matrikula.
Dapat silang mag-refund!
◘◘◘
Bigo ang CHED, DepEd, IATF, Senado at Kamara na imbestigahan ang mga eskuwelahang hindi nagbawas ng matrikula gayung sarado ang kanilang mga gusali.
Marami dapat gawin ang IATF -- pero tameme lang!
◘◘◘
Dumaraing ang mga estudyante dahil mahirap na pagsagot sa mga module mula sa DepEd.
'Yung titser lang ang nakakaintindi!
◘◘◘
Iisa ang malinaw.
Wala nang magaganap na face-to-face class sa 2020-2021 school year.
No choice, wala pang bakuna kontra COVID-19, eh!
◘◘◘
Marami nang hindi nakakabayad sa mga bangko at iba pang financial institution.
'Yan ang krisis!
◘◘◘
Nagrereklamo na ang mga Bumbay.
Ikot nang ikot, walang nasisingil!





Comments