top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sure win si Yorme Isko kung sa pagka-Mayor ang tinakbo niya

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 21, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 21, 2021


WALANG NAGMARKANG NAGAWA SI MAYOR SARA SA DAVAO CITY NA PUWEDE NIYANG GAWIN SA BUONG BANSA--Walang matandaan ang taumbayan na may ginawa si Mayor Sara Duterte-Carpio sa Davao City na nagmarka sa mamamayan na puwede niyang gawin sa buong Pilipinas.


Sa mga mayor kasi, ang nagmarka lang sa mamamayan ay 'yung anti-corruption na ipinairal ni Mayor Vico Sotto sa Pasig City; ang napakaraming public school (pang-kolehiyo, high school at elementary) na ipinagawa ni Mayor Rex Gatchalian sa Valenzuela City; ang pagpapalago sa ekonomiya ni Mayor Abby Binay kaya palaging top sa richest cities of the Philippines ang Makati City; ang todo-ayuda na ginawa ni Mayor Emeng Pascual sa kanyang mga kababayan sa Gapan City (Nueva Ecija) sa panahon ng pandemya at Mayor Isko Moreno na pagpapairal ng disiplina (paglinis sa mga bangketa) at pabahay sa mga mahihirap sa Maynila.


Pero sa Davao City, wala talagang maisip na nagawa si Mayor Sara na nagmarka sa isipan ng mamamayan para mag-ambisyon siyang maging VP ng bansa, period!


◘◘◘


KUNG MAYOR ULIT ANG TINAKBUHAN NI YORME SURE AY WIN SIYA, PERO DAHIL TINARGET NIYA ANG PAGKA-PANGULO, PAMBA-BASH TULOY ANG INABOT NIYA--Bagama’t maganda ang mga nagawa ni Yorme Isko sa Maynila, naging ambisyoso naman ang tingin sa kanya ng mga Pinoy.


Kumana kasi agad siya sa laban sa pagka-pangulo, kaya naging negatibo ang tingin sa kanya ng mamamayan.


'Ika nga, kung mayor ulit ang tinakbuhan niya ay sure win siya, pero dahil tinarget agad niya ang pinakamataas na posisyon sa bansa, na-bash tuloy siya na masyadong ambisyoso, boom!


◘◘◘


"ONLINE SABONG IN THE SOUTH?"--Balikan natin si Mayor Sara, may nagmarka pala na nais niyang gawin sa Davao City, pero hindi natin alam kung nagkaroon ng katuparan ito.


Dahil nga maraming negosyo ang nagsara sa panahon ng pandemya, at para magka-income ang Davao City, sabi ni Mayor Sara noong Abril 13, 2021 na pabor daw siyang mag-operate ang mga gambling lords ng "online sabong" sa lungsod.


Kung may online sabong na sa Davao City, dapat pala ang ikalat ng mga DDS sa social media ay "Online Sabong in the South," pero ang ikinakalat nila ay "Eagle of the South" daw si Mayor Sara, eh, hindi naman malaman ng mamamayan kung ano ang rason kung bakit ikinukumpara sa agila ang anak ni P-Duterte, period!


◘◘◘


TONGPATS NI MAKOY SA CENTRAL LUZON AT TONGPATS NI JUNIOR BUWAYA SA SOUTHERN LUZON--Isang alyas "Makoy" na nagpapakilalang taga-Camp Olivac ang nanghihingi umano ng payola sa mga gambling lords sa Central Luzon, at may isang alyas Junior Buwaya naman na nagpapakilalang taga-Camp Vicente Lim naman ang nanghihingi rin ng payola sa mga gambling lords sa Southern Tagalog Region o Southern Luzon.


Kung totoo 'yan, 'yan naman ang tinatawag na "Tongpats sa Luzon", mga buwisit!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page