Sure raw na sa langit ang ending niya… LOISA, 'DI TAKOT MAPUNTA SA IMPIYERNO
- BULGAR
- Oct 14, 2022
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 14, 2022

Ang sweet ng sagot ni Ronnie Alonte nang tanungin sila ni Loisa Andalio kung ano ang gagawin nila kung 40 days na lang ang nalalabing araw sa kanila sa mundo.
Magpapakasal na ba sila?
Naitanong ito sa LoiNie sa finale mediacon ng serye nilang Love in 40 Days na ginanap last Wednesday.
“Oo, magpapakasal na kami, yes. Kasi 40 days na lang, mawawala ka na, eh, di enjoy na natin.
Lahat ng puwede naming gawin, gagawin namin. Bubuo kami ng 7 babies,” sabi ni Ronnie.
Natawa ang lahat sa bubuo sila ng 7 babies dahil kahit nga 1 baby ay hindi na sila makakabuo sa 40 days. Maging si Loisa ay natawa rin.
Pero naging emosyonal naman si Loisa nang mapag-usapan ang tungkol sa kamatayan.
Natanong kasi ang mga cast kung ano ang ikinatatakot nila sa kamatayan without knowing kung paano sila mamamatay, kung kailan at kung sa impiyerno ba or heaven sila pupunta.
Ayon kay Loisa ay hindi siya natatakot mamatay at umaming minsan ay naisip na rin daw niya ang bagay na ito.
“Hindi rin po ako takot mamatay kasi po. . .” ani Loisa na gumaralgal na ang boses.
“Kasi po dumaan na rin ako sa point na parang gusto ko na rin,” dagdag niya. “Dumating ako sa punto na hindi ko na kaya, siguro, okay lang na mawala na lang ako kasi ang hirap.
“Pero nu'ng na-realize ko na baka tinatapik lang din ako ni Lord, baka nawawala na ako sa landas, doon ako nabuhay na hindi pala ako dapat mahiya dahil sa ibang tao. Dahil kung mayroon akong kasalanan or may nagawa akong mali, sa sarili ko ‘yun, hindi dapat sa ibang tao.”
Kaya raw nang malinawan siya ay humingi agad siya ng patawad kay Lord.
“Nu'ng after na na-realize ko na, ‘Lord, sorry, mali pala ‘yung nasa isip ko dati. ‘Yung mga nangyari sa akin, tama pala si Tita Lot (Lotlot de Leon na kasama rin sa cast) na ‘Alam na ni Lord ‘yan bago pa man mangyari and ang important is saan ka ba pupuntang way,’” pahayag ni Loisa.
Hindi rin siya natatakot na mapunta sa impiyerno dahil as long as tinanggap mo raw si Lord sa buhay mo ay tiyak na tiyak namang sa heaven ka pupunta.
Samantala, nasa last 3 weeks na ang Love in 40 Days kaya huwag palampasin ang pamatay na ending ng serye.





Comments