top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sure na sure nang pakakasalan ang GF… JAK, KAMBAL ANG GUSTONG MAGING ANAK NILA NI BARBIE

BULGAR
Jun 1, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 1, 2022



Kase-celebrate pa lang nina Barbie Forteza at Jak Roberto ng kanilang 5th anniversary bilang mag-jowa at sa Bohol sila nagbakasyon.


Habang nagtatagal ay lalong tumitibay ang kanilang relasyon. Solid ang suporta nina Barbie at Jak sa isa't isa. Nakaplano na rin ang kanilang mga gustong gawin para sa kanilang future.


Pero, at this point of their life, hindi priority kina Barbie at Jak ang pagpapakasal. Hindi naman daw sila nagmamadali dahil pareho pa silang nag-iipon at nag-i-invest sa mga properties.


Ayon sa Kapuso actor na si Jak, walang dapat ipag-alala ang mga fans ni Barbie dahil ang young actress na raw talaga ang babaeng gusto niyang pakasalan at makasama sa buhay. At sakaling makasal na sila, dalawang anak ang gusto ni Jak. Kung puwede raw ay kambal agad.


At kapag handang-handa na sila ni Barbie, ipaaalam naman nila ito sa lahat.


Sa ngayon ay parehong abala sa kanilang career sina Barbie at Jak. Hindi man sila pinagsasama at pinagpapareha sa isang project, bentahe naman ito sa kanila para hindi agad pagsawaan ng mga viewers.


Si Jak Roberto ay kasama ngayon sa bagong serye ng GMA-7, ang Bolera na pinagbibidahan ni Kylie Padilla. Kasama rin nila rito sina Rayver Cruz, Jaclyn Jose, Al Tantay, atbp..

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page