Sure na sure na sa pakakasalan… SEF, 2 BESES NAG-PROPOSE AT NAGBIGAY NG SINGSING SA GF
- BULGAR
- Sep 2, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 2, 2023

Sa wakas, natagpuan na rin ni Sef Cadayona ang kanyang “the one” na tatapos sa kanyang pagiging single.
Matapos ang ilang relasyon na nauwi sa paghihiwalay ay nagseryoso na siya sa kanyang non-showbiz GF na si Nelan Vivero na less than a year pa lang niyang karelasyon.
Twice nang nag-propose si Sef kay Nelan. Noong Feb. 2023 ay isang paper ring na kanyang ginawa ang ibinigay niya nang tanungin ang GF kung papayag na itong magpakasal sa kanya.
After six months ay muling nag-propose si Sef kay Nelan at isang diamond ring ang kanyang ibinigay. Ang pagpo-propose niya ay naganap sa bahay mismo ng GF. Personal din na nagpaalam si Sef sa parents nito.
Desidido na nga si Sef na pakasalan si Nelan. Naramdaman na niya na dumating na ang tamang panahon para sa isang seryosong relasyon at gusto na rin niyang magkaroon ng sariling pamilya.
Hindi lang sa pagko-comedy lumilinya ngayon si Sef dahil gusto rin niyang subukang gumanap sa iba’t ibang klaseng roles. In fact, kasama siya sa cast ng seryeng Love Before Sunrise na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Dennis Trillo.





Comments