top of page
BULGARY - BARON, IBINUKING NG MISIS NA NASA SAFE PLACE_IG _baron.gesler.jpeg

Sure na kay Cong. Luigi pero… YASSI, INAMIN KAYA ‘DI PA KINAKARIR ANG KASAL

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | September 28, 2026



BULGARY - YASSI, CAREER MUNA BAGO KASAL-IG _yassipressman

Photo: IG _yassipressman



Hindi lang pag-arte ang pinagkakaabalahan ngayon ni Yassi Pressman dahil unti-unti na rin niyang tinatahak ang bagong direksiyon bilang producer, habang naghahanda naman para sa panibagong yugto ng kanyang personal na buhay.


Matapos ang The Loyalty Game, isa sa mga pinagkakaabalahan ni Yassi ang Korean-Filipino action film na The Guardian, bukod pa sa iba niyang proyekto.


Mas naging abala rin siya sa production side ng industriya. Kabilang sa mga pinasok niya ang game show na Tubig to Handle at ang pelikulang Little Hope, na nakatakdang isumite sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.


Kasabay ng pag-usad ng kanyang career ang engagement niya kay Camarines Sur 2nd District Representative Luigi Villafuerte, na nag-propose sa aktres noong Hulyo matapos ang halos tatlong taon nilang relasyon.


Sa isang panayam, sinabi ni Yassi na hindi pa siya nagsisimulang magseryoso sa wedding preparations dahil gusto muna niyang tapusin ang mga naka-line-up niyang trabaho.


“Feeling ko siguro, tapusin ko muna ‘tong year na ‘to and everything that I need to get done and all of the work that we have out,” ani Yassi.


Sa usapin naman ng kanilang relasyon, naging bukas na rin si Yassi tungkol sa nararamdaman niya para kay Luigi. 


Noong Nobyembre, 2025, tinawag niya itong ‘best relationship I ever had in my life’ at sinabing ramdam niyang malalim ang pagmamahal nito sa kanya.





Hindi nagpahuli sa pagsuporta sa OPM acts si Justin de Dios ng SB19.

Spotted si Justin, kasama ang De Dios family, sa Navotas Music Fest 2026 noong Sabado, September 26, sa Navotas Convention Center.


Kabilang sa mga nag-perform sa music festival sina Maki, Cup of Joe, KAIA, Mayonnaise, Room Sessions at Synco.


Kapansin-pansin naman ang suporta ni Justin at ng kanyang pamilya sa iba pang OPM artists.


Dahil dito, natuwa ang fans na makita ang De Dios family na nakiki-enjoy at nagbibigay-suporta sa mga kapwa musikero.


Napansin din ang energy nina Justin at Maki na pinag-usapan ng ilang mga netizens.


Sey ng netizen, “Ang supportive ni Jah (Justin) and family sa relative nila, pati sa OPM acts.”


May pabirong komento pa tungkol sa kanilang energy, “Grabe ‘yung energy nila ni Maki, ha? Naka-Berocca siguro. Hahaha!”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page