top of page
BULGARY - BARON, IBINUKING NG MISIS NA NASA SAFE PLACE_IG _baron.gesler.jpeg

Kaya ayaw pang magka-BF… SHUVEE, TAKOT NA ARIIN NI ANTHONY

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 28, 2026



TALKIES - SHUVEE, TAKOT NA ARIIN NI ANTHONY-IG _shuveeetrata

Photo: IG _shuveeetrata



Sweet ang naging kuwentuhan sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nang mag-guest ang hottest love team na sina Shuvee Etrata at Anthony Constantino.


Napag-usapan sa panayam ang tungkol sa pakikipagrelasyon ni Shuvee at kung nagkaroon na ba siya ng boyfriend.


Ayon kay Shuvee, marami man siyang naging manliligaw noon sa Bantayan Island na matatagpuan sa Cebu, hindi ito umabot sa relasyong may label. Hanggang talking stage lang daw ang mga ito.


“‘Di talaga, Tito Boy. Palagi lang talking stage. Ganu’n na nga. Ang ‘di lang talaga nangyari, ‘yung (pagkakaroon) label. Kasi feeling ko, ‘pag tayo na talaga, marami ka nang puwedeng gawin sa ‘kin na natatakot akong ‘di ko makontrol,” ani Shuvee.


“So that’s your concept?” tanong ni Boy.


“Yes,” mabilis na sagot ni Shuvee.


Sinundan pa ito ni Boy ng tanong kung para sa kanya ay may kasamang ownership kapag naging boyfriend na niya si Anthony.


“Na halimbawa, ‘pag sinagot mo si Anthony na boyfriend mo, parang may ownership na?” tanong ni Boy.


“Baka may ownership na s’ya sa ‘kin. I don’t want that,” sagot ni Shuvee.

Napag-usapan din nila ang tungkol sa career at oras na maibibigay sa isa’t isa sakaling pumasok sa relasyon.


Paliwanag ni Shuvee, gusto niyang pareho silang may sariling career at priorities.

“Individual priorities, like he pursues his own career and I like to pursue my own career. And also one thing I really like, I really value is time. Like for example, sinagot ko na ‘to (Anthony) pero half of my time lang ang kaya kong ibigay dahil sa sobrang dami kong responsibilidad sa buhay. ‘Di rin naman fair sa kanya,” ani Shuvee.


Well, may point naman si Shuvee. At least, nag-iisip siya at ‘di puro puso ang pinagagana.





Punumpuno ng pagmamahal ang ibinahaging larawan ng multi-awarded public servant, movie icon at family man na si Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr..


Sa larawan, makikitang inaabutan siya ng kanyang apo ng sunflower, na buong pagmamahal naman niyang tinanggap habang katabi ang kanyang asawang si Lani Mercado.


Sa comment section ng post ni Sen. Bong, umapaw ang mga mensahe ng pagmamahal at pagbati mula sa mga netizens.


Noong September 25 ay ipinagdiwang ni Sen. Bong ang kanyang ika-60 kaarawan. Simpleng chat lang ang nagawa ni yours truly para batiin siya, at nakakatuwang nag-reply pa siya upang magpasalamat.


Happy birthday, Sen. Bong. God bless you at mahal ka namin.





Talagang panalo ang Puregold CinePanalo Film Festival na ongoing ngayon sa Gateway Cineplex.


Isa sa mga unang pelikulang pinanood namin ay ang Stuck on You, na pinagbibidahan nina Xyriel Manabat at River Joseph, sa direksiyon ni Mikko Baldosa.


Tungkol ito sa isang manikuristang bigo sa pag-ibig na aksidenteng napasok sa trabaho ng isang hitman. Dahil dito, nasangkot siya sa isang madugong sabwatan at napilitan siyang mamili—iligtas ang kanyang pamilya o patayin ang lalaking minamahal niya.


Sinundan naman namin ito ng pelikulang Beast, na pinagbibidahan ni John Arcilla at sa direksiyon ni Lawrence Fajardo.


Tungkol naman ito sa isang magsasakang naglakbay patungong Maynila kasama ang kanyang alagang kalabaw upang hanapin ang kanyang pamangkin, matapos kunin ng may-ari ng lupa ang kanyang sinasakang lupain para ipagbili.


In fairness, nag-enjoy si yours truly sa pelikula. Talagang sulit ang panonood at big tumpak ang Puregold CinePanalo sa mga kuwentong hatid nito.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page