Support system ang fiancé… ANDI, NAGPASALAMAT KAY PHILMAR
- BULGAR

- Mar 13, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | March 13, 2024

Nagbigay ng pasasalamat si Andi Eigenmann sa kanyang fiancé na si Philmar Alipayo para sa pagiging matibay na suporta ng kanilang pamilya sa panahon ng mga pagsubok.
Sa Instagram, ibinahagi ng surfing champion ang isang video ng kanyang sarili at ng kanyang anak na si Lilo na nagyo-yoga, habang si Koa ay naglalaro.
“Morning routine with my labs,” aniya sa caption.
Sa comment section, nagbigay naman si Andi ng isang heartwarming message.
“Soon i get to join you guys again,” saad ni Andi.
“Thanks for being our support system during this time,” dagdag niya kasama ang isang red heart emoji.
Sa isang hiwalay na post, nagpasalamat si Philmar sa yumaong ina ni Andi, si Jaclyn Jose, para sa pagmamahal at pag-aalaga sa kanyang mga anak.
Noong Marso 2, pumanaw si Jaclyn sa edad na 60.





Comments