top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Supply ng baboy sa pasko, 'di apektado ng ASF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 21, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | October 21, 2020




Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na magiging sapat ang supply ng karne ng baboy sa darating na Kapaskuhan sa kabila ng panganib ng sakit sa mga ito na African swine fever (ASF).


“Marami pa tayong imbentaryo, if we compare iyong imbentaryo natin last year, the same period, mayroon tayong 55% more pork,” sabi ni DA Sec. William Dar sa Laging Handa briefing kanina.


Gayunman, hiniling ni Dar sa mga may-ari ng cold storage na regular na ilabas ang supply ng frozen pork sa merkado.


“Mayroon tayong tinitingnan na minamanipula nila iyong paglabas ng frozen pork kasi mayroon naman nandiyan na sa mga cold storages natin,” sabi ni Dar.


“We will do what is necessary para mapalabas regularly itong mga nasa warehouses.”


Ayon sa kalihim, 25 lalawigan ang labis na naapektuhan nang tamaan ng ASF ang kanilang mga alaga at aabot sa 350,000 mga baboy ang kailangang i-culled para maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit.


“It continues to be a threat to the Philippine swine industry, and let me further mention na there are just a few countries in the world which have successfully eradicated ASF. Pero it took them kagaya ng Spain, 30 years,” ani Dar.


Matatandaang bumuo ng isang task force si Pangulong Rodrigo Duterte upang labanan ang ganitong uri ng sakit sa baboy at mapigilan ang pagkalat ng mga animal-borne diseases kasabay ng ASF outbreak sa ilang lugar sa bansa.


Sa Executive Order 105 na pinirmahan ni P-Duterte noong February 21, pinamumunuan ang National Task Force on Animal-Borne Diseases ni DA Sec. Dar bilang chairman at ni Department of Health (DOH) Francisco Duque bilang vice-chairperson.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page