Suportado raw siya bilang ambassador ng WFP… KC, TINAWAG NA ULING ‘DAD’ SI KIKO
- BULGAR

- Aug 22, 2025
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 22, 2025

Photo: KC Concepcion - IG
Blooming at halatang masayang-masaya si KC Concepcion dahil ang ganda ng awra nito nang i-welcome back siya ng United Nation's World Food Programme (WFP) bilang WFP Goodwill Ambassador kasabay ng World Humanitarian Day last Tuesday.
Dati nang WFP Phils. National Ambassador Against Hunger si KC, at sa kanyang pagbabalik, mas pagtutuunan niya ng pansin ang universal access to school meals sa buong Pilipinas.
Para sa kanyang unang misyon bilang WFP Goodwill Ambassador, bibisitahin niya ang isang paaralan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kung saan maghahanda siya at magdadala ng hot, nutritious meals para sa mga batang mag-aaral.
Makikipagkita rin si KC sa mga local farmers na nagsu-supply ng fresh products para sa programme.
Mainit ang naging pagtanggap kay KC nina Mr. Regis Chapman, WFP Philippines Representative and Country Director, at Mr. Dipayan Bhattacharyya, Deputy Country Director ng WFP.
“With the leadership of our government partners, we have made significant strides in expanding access to school meals, and KC's support will be instrumental in sustaining this momentum,” pahayag ni Mr. Chapman.
Inspiradong sabi naman ni KC, “It is truly an honor to be back with WFP and continue supporting the school meals programme. We all know that learning is hard when children are hungry. When we provide them with proper nutrition, we are not only securing their food, but also their bright future.”
At dahil nabanggit nga niyang makikipagkita siya sa mga local farmers natin bilang bahagi ng kanyang responsibility, natanong namin si KC kung ano'ng support ang ibinibigay ng kanyang stepdad na si Sen. Kiko Pangilinan na kilala naman ng marami na isa ring advocate ng agriculture industry natin.
Nakakatuwa ang naging sagot ni KC kung saan narinig naming in-address uli niyang “Dad” ang kanyang Daddy Kiko.
Well, hindi naman siguro lingid sa marami na nagkatampuhan sila last year, pero mukhang okay na sila ngayon dahil nga sa naging sagot ng aktres-entrepreneur-humanitarian.
Ani KC, “He's really one of the driving forces why I considered working with WFP and it’s not up to me to be with the agency. It took me a year before na-accept ako and he really encouraged me to take it on. And hindi ka puwedeng maduwag sa ganitong trabaho especially kapag umaalis ka na ng comfort zone mo.
“So, he always encouraged me to be of used to hit the ground running from graduation.”
Maging ang kanyang Mommy Sharon Cuneta ay very supportive rin daw sa kanyang pagiging Goodwill Ambassador ng WFP at binigyan pa siya nito ng Tiffany necklace na ginawa niyang bracelet as a protection daw sa mga lugar na kanyang pupuntahan.
Well, sayang lang at hindi na namin na-one-on-one interview si KC para kumustahin sana ang lagay ng kanyang puso ngayong balitang in a relationship na uli siya with her ex-boyfriend na si Aly Borromeo.
Image: CIA with BA / FB
KARANIWANG tanong ng mga bagong pasok sa trabaho ay kung may karapatan na ba sila kahit hindi pa regular.
Madalas kasi, iniisip ng mga fresh graduates at on-the-job employees na wala silang laban hangga’t hindi pa sila nare-regular. Pero totoo ba ito ayon sa batas?
Sa episode ng CIA with BA, tampok sa segment na Tanong ng Pilipino ang tanong ni Luis mula Sta. Mesa, Manila.
Aniya, “Bagong graduate ako at first job ko itong trabaho ko ngayon. Totoo bang wala akong karapatang magsumbong sa DOLE kung hindi pa ako regular?”
Diretsahang sinagot ito ni Atty. Marian Cayetano, “Hindi po totoo na porke hindi kayo regular, hindi na kayo puwedeng magsumbong sa DOLE.”
Ipinaliwanag niya na lahat ng manggagawa — regular man o probationary — ay may mga karapatang protektado ng batas.
“Para mas malinaw, lahat ng manggagawa, whether regular o hindi regular, may mga karapatan pong protektado ng ating batas,” ani Atty. Marian.
Kabilang dito ang tamang pasahod, overtime pay, proteksiyon laban sa diskriminasyon at harassment, at ang pagkakaroon ng ligtas at maayos na lugar ng trabaho.
“Isa sa mga karapatan na ‘to, of course, ‘yung tamang pagpapasuweldo, or dapat nababayaran sila ng OT (overtime), or hindi sila puwedeng madiskrimina o ma-harass sa kanilang trabaho, or dapat safe and healthy ‘yung working environment nila,” dagdag pa niya.
Ibinilin din niya na hindi dapat makaramdam ng kawalan ng lakas ang mga bagong graduate o probationary employees.
“So ‘pag ganu’n po, hindi po ibig sabihin na [kapag] bagong graduate, hindi pa regular, hindi na sila protektado ng batas at wala silang magagawa, so puwedeng-puwede magsumbong sa DOLE,” giit ni Atty. Marian.
Ang diskusyong ito ay nagsilbing paalala para sa mga kabataan at bagong salta sa mundo ng trabaho: mula unang araw pa lang, may karapatan na sila. At kung may paglabag sa mga ito, may DOLE na handang pakinggan at umaksiyon.
Ang CIA with BA ay pinangungunahan nina Sen. Alan Cayetano at award-winning host na si Boy Abunda. Ipinagpapatuloy ng programa ang legasiya ng yumaong Sen. Rene “Compañero” Cayetano. Napapanood ang programa tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA-7, at may replay tuwing Sabado, 10:30 p.m. sa GTV.







Comments