Para sa National Artist Award... NORA, NAKIPAG-FACE-TO-FACE NA KAY P-DU30
ni Julie Bonifacio - @Winner | June 27, 2022

Happy na for sure ang mga Noranians sa balitang personal nang umapir ang Superstar na si Nora Aunor sa Malacañang para harapin si Presidente Rodrigo Duterte na naggawad sa kanya bilang National Artist for Film.
Ikinalungkot kasi ng mga Noranians ang non-appearance ni Nora sa Malacañang during the ceremony ng paggagawad sa mga tinanghal na bagong set ng National Artists.
Ang tagal-tagal kasi nilang ipinaglaban at hinintay na maging National Artist si Nora at nu’ng magkaroon ng katuparan ang lahat, saka naman wala si Ate Guy. Kaya ganoon na lang ang panghihinayang ng mga Noranians.
But at the same time, naunawaan din naman nila ang ‘di pagsipot ni Nora sa awarding ng National Artists award sa Malacañang upon learning na may sakit ang kanilang idolo.
Pero binulaga ni Nora ang kanyang mga fans nu’ng kumalat ang picture niya kasama si P-Digong sa Malacañang with matching nakasabit sa leeg ng Superstar ang mahabang medalyang ginto na simbolo bilang National Artist.
Siguro naman, makakalma na ang mga Noranians niyan, ha? May piktyur na ang kanilang idolo with P-Digong.
And of course, nakakatuwa ring makita na okey naman ang lagay ng katawan ni Ate Guy, hindi tulad ng mga nababalita na may matindi siyang karamdaman.
Saka, hanggang sa pagtanggap ng National Artist award, “solo frame” pa rin si Nora, pang-Superstar talaga ang datingan, na hindi naman siguro niya sinasadya at inaasahang mapagbibigyan siya na personal pa ring mabati ni P-Digong.
May nakita rin kaming piktyur ni Ate Guy na nasa tabi niya si John Rendez sa malaking mesa. Nandoon din ang ever supportive daughter ni Ate Guy na si Matet with hubby na si Mickey at ang anak din ng Superstar na si Kiko.
This time, hindi na kasama nina Matet at Kiko ang biological son ni Ate Guy na si Ian de Leon. At kahit nagkabati na raw sina Ate Guy at Lotlot de Leon, wit pa rin sa piktyur ang eldest daughter ng Superstar.
Ang tanong, matik kaya na after ng awarding ceremony ng mga napiling National Artist, give na rin kaya ang mga financial benefits?





Comments