Superstar, sakitin na… JOHN RENDEZ, LAGI RAW STEAK ANG FOOD SA BAHAY NI NORA
ni Julie Bonifacio @Winner | March 23, 2024

Nakaka-happy at nakakaganda ng mood nang ipinost ni Ian de Leon ang isang piktyur sa kanyang Facebook account kasama ang kanyang “ate” na si Lotlot de Leon.
Caption ni Ian, “Chillin with my favorite human being in our living quarters (tent) from the @makiling set. Glad to be with you just before your birthday my sister Love! Always remember how much I love you! Forever together through thick and thin! Bro&Sis 4lyf!!!”
Last March 21 ay nag-celebrate si Lotlot ng kanyang kaarawan.
Parehong nasa taping sina Ian at Lotlot. Good to know na parehong may work ang magkapatid.
Habang ang youngest sister nila na si Matet ay abalang-abala rin sa food business nila ng kanyang mister na si Mickey Estrada.
Never naging pabigat ang magkakapatid sa kanilang ina na si Nora Aunor. At si Nora ay never ding umasa sa kanyang mga anak.
Medyo sad lang dahil pawang negative ang mga nasasagap namin na tsika about her gaya na lang ng kanyang health condition.
We heard na lagi na raw may nakasaksak na gadget sa ilong ni Nora para sa oxygen.
May nag-aalaga naman daw kay Nora at nandoon si John Rendez. But for sure, wish din nina Ian at Lotlot na personal na maalagaan ang kanilang ina sa mga panahong gaya nito.
May tsika rin kaming nasagap na laging steak daw ang pagkain ni John sa bahay ni Nora.
Bongga!





Comments