Superstar na, National Artist pa… NORA, UMAMING MAGRE-RETIRE NA
Updated: Feb 11, 2023
ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 5, 2023

Dream come true para sa actor-politician-turned movie producer na si QC 5th District Councilor Alfred Vargas ang makuha ang Superstar na si Nora Aunor para magbida sa kanyang bagong pelikulang ipoprodyus, ang Pieta na ididirek ng award-winning director na si Adolf Alix, Jr..
Sa storycon ng pelikula na ginanap kahapon sa Victorino's Resto sa QC, nilinaw ni Direk Adolf na hindi ito remake ng dating pelikulang Pieta o ng TV series na ginawa ng ABS-CBN.
Bagama't same ang title, iba ang takbo ng story tungkol sa menor-edad na lalaking (played by Alfred) nakulong dahil napatay ang ama sa hindi niya malamang dahilan at nang lumaya ay binalikan ang inang bulag (played by Ate Guy) na may Alzheimer's disease naman kaya walang maalala.
Kasama rin sa cast ng pelikula ang magaling na aktres-direktora na si Ms. Gina Alajar na ang kuwento sa storycon, six times na raw silang nagsama ni Ate Guy sa movie at isang beses naman sa seryeng Onanay sa GMA-7 kung saan si Nora ang bida at siya ang direktor.
Ang daming nai-share na kuwento nina Ate Guy at Direk Gina sa storycon tungkol sa mga nakaraan nilang pinagsamahan sa pelikula hanggang sa naging magkumare pala sila.
Puring-puri ni Direk Gina si Ate Guy na kahit daw Superstar na ay napaka-humble at down-to-earth pa rin at never nagkaroon ng diva attitude.
Although ibinuking ni Direk Gina si Nora na sa isang movie shooting daw nila decades ago, matagal siyang pinaghintay ni Ate Guy sa set dahil nag-away ito at ang ka-love team (at baka BF that time?) na si Tirso Cruz III kaya ayaw daw magtrabaho ng Superstar.
Katwiran naman ni Ate Guy, ganu'n kasi ang ugali niya, napakatotoo niyang tao at wala siyang itinatago, so kung hindi niya kaya o ayaw niyang magtrabaho, hindi raw siya mapipilit.
Pero siyempre ngayon, nag-mature na ang Superstar at kahit may mga health issues pa rin siya na dahilan kung bakit pinipili lang niya ang mga proyektong kanyang tinatanggap at marami ngang tinanggihan na, dahil gusto niya ang story ng Pieta na ipinresent sa kanya nina Konsehal Alfred at Direk Adolf, tinanggap niya ang pelikula.
Tiniyak naman ni Direk Adolf na hanggang 16 hours lang ang shooting nila ng movie at hindi na lalagpas dahil kinokonsidera nga rin nila ang health ni Ate Guy. Hindi rin daw everyday ang shooting para hindi mapagod ang Superstar na umaming hirap pa ring huminga pero kinakaya lang niya ang trabaho dahil gusto niya ang kanyang ginagawa at gusto niyang magbigay-saya sa kanyang mga fans.
Natanong nga namin si Ate Guy kung sa estado ba ng kanyang health ngayon ay hindi pa niya nako-consider ang retirement tulad ng ibang artista na 'pag umaabot na rin sa 60 yrs. old, feeling napapagod na at gusto nang mag-retire.
Isa pa, Superstar at National Artist naman na si Ate Guy na hindi na nga mabilang ang mga awards at trophies, so kumbaga, wala na siyang kailangang patunayan.
Pag-amin naman ni Ms. Nora Aunor, pinagpaplanuhan na nga rin nila ang kanyang retirement pero nahihirapan lang din siyang mag-decide dahil tiyak na mami-miss niya ang kanyang mga ginagawa, bukod pa sa hindi niya mahindian ang ilang offers lalo na kung maganda ang project tulad nitong Pieta.
Soon ay magsisimula nang mag-taping ang production team ni Kon. Alfred Vargas para sa Pieta at hopefully, matapos ang movie bago mag-May para maipalabas ito in time for Mother's Day.
JanB Entertainment, handang pasikatin ang mga newcomer na singers

Ipinakilala kamakailan ng JANB ENTERTAINMENT, a hybrid (into digital, mainstream & on the ground media) company that offers original music in the genre of Soul, R&B, Pop, Rock, OPM and global music, ang kanilang mga talents na kinabibilangan ng mga baguhan pero talented singers.
Pinangungunahan ito ng Pinoy artist based in New York na si Eytch Angeles na kamakailan lang ay kasama ng Filipino alternative rock band na Sponge Cola sa U.S. Jeepney Tour 2023 bilang isa sa mga front acts.
Pagkatapos nga ng kanyang appearance sa Jeepney Tour, kasama siya sa mga ipinakilala sa first community mic series mediacon na produced by JanB Entertainment na ginanap last February 1 sa Illusion Pub & Grille Cafe in Mandaluyong City.
Si Eytch Angeles ay singer and songwriter na ang latest single ay Sa Kalawakan.
Samantala, kasama naman sa mga JanB Entertainment talents na ipinakilala rin that night sina Ashley, Tif, Almyn, Boyong at Chelle.
Ayon sa CEO na si Jeanette Torres Bocobo, masuwerte ang 'Pinas sa pagkakaroon ng mga talented singers na hindi lang nadi-discover at nabibigyan ng big break.
Kaya through JanB Entertainment, inaasahan nilang magsa-shine at maaabot ng mga talents nila ang pangarap na magkaroon ng puwang sa music industry.
Well, dahil nasa digital world naman na tayo ngayon, tiyak na hindi na mahihirapan ang mga JanB talents na makagawa ng pangalan dahil ang bilis-bilis nang sumikat sa mga digital platforms.





I’m new to Super Jackpot, and I’ve already found myself hooked on the exciting discussions. The overwhelming number of comments shows that I’m not the only one who’s excited by the topics!<a href="https://www.casinoplus.com.ph/super-jackpot/">Super Jackpot</a>