Super-taas na TF, 'di kinaya… KORINA, BINARAT NG AMBS KAYA SA NET25 NAGKA-SHOW
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 28, 2022

Usap-usapan ngayon sa showbiz circle ang dahilan kung bakit naudlot o hindi natuloy ang pagpirma ng kontrata ng veteran newscaster na si Korina Sanchez sa AMBS o ALLTV Network.
Bago pa naganap ang soft opening ng ALLTV noong Sept. 13, maugong na ang balitang magiging bahagi si Korina ng ALLTV Network. May negosasyon na raw ang namamahala ng AMBS sa veteran news anchor.
Pero, hindi na nasundan at wala nang lumabas na updates tungkol dito. At nauna nang lumabas ang balitang official nang bahagi ng NET25 si Ms. Korina Sanchez.
Balitang-balita rin na ang talent fee na hinihingi ni Korina sa AMBS Network ang dahilan kaya hindi natuloy ang kanilang negosasyon. Binabarat daw ng AMBS ang TF ng veteran news anchor.
As in, hindi kinaya ng AMBS ang hinihinging talent fee ni Ate Koring.
Ang ibig bang sabihin ay sinugalan ng NET25 ang talent fee ni Korina Sanchez? Bongga!!!
At pati nga sina Aga Muhlach, Tito, Vic & Joey, nakuha na rin ng NET25.
For sure, mataas ang kanilang talent fee. At handa na ang NET25 na makipagsabayan ngayon sa mga leading networks.





Comments