Super sweet kuno, nagkasawaan agad… KOBE AT ERIKA, 'DI TUMAGAL, HIWALAY NA
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 27, 2022

Gumugulong ang usapang hiwalayan sa young lovers na sina Kobe Paras at Erika Poturnak. They are considered pa naman as one of the hottest celebrity couples today.
Ilang buwan pa lang ang nakakalipas nu’ng mag-todo-post sina Kobe at Erika ng super sweet and sexy pictures nila sa social media para ipaalam ang kanilang relasyon.
Ang daming nainggit sa young couple dahil match na match sila physically, mentally at pati kulturang kinalakihan. Si Kobe ay natira sa US for a long time at si Erika is raised with so much independence.
Si Kobe ay ang basketball player son nina Jackie Forster at Benjie Paras, habang si Erika ay anak ni Ina Raymundo sa Canadian-Ukranian na si Brian Poturnak.
But now, tiyak na mas marami ang nabuhayan ng pag-asa kesa sa nalungkot sa balitang breakup nina Kobe at Erika. One of the most-sought bachelor and single woman kasi si Erika.
Nag-umpisa ang tsikang hiwalayan nina Kobe at Erika nu’ng mapansin ng mga Marites na in-unfollow na nila ang isa’t isa sa kanilang respective Instagram account.
Naku, sounds familiar, hah? Itanong n’yo pa kina Sunshine Cruz at Macky Mathay.
Although, nag-post pa ng kanyang simple birthday greetings si Erika sa kanyang Instagram Story para kay Kobe last September 18.
Anyway, pati ang mga netizens ay nagulat din sa balitang break na sila.
“Ang bilis naman!!”
“Looks like nagkasawaan na sila sa mga paandar nila.”
“How fast the night changes. Ang bilis naman! Pero ok lang."
“On to the next one na agad. They're both hot.”
True.





Comments