Search
  • BULGAR

Super Suwerte, Super Sonic, pansolo ngayon

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | February 27, 2021



Ngayong araw magaganap ang sampung karerang bibitawan sa Manila Jockey Club,Inc.(MJCI) ang tagapangasiwa ng karera sa San Lazaro Leisure Park(SLLP) sa Carmona, Cavite.


Tatawirin ng mga kalahok ang distansiyang 1,400 meters para sa Pick 6, Winner Take All (WTA),Pick 5 at Pick 4.


Sa mga kalahok, 5 ang matatawag na patok at ito’y ikinalat ng Race 1,4,5,8 at 10.


Sa Race 1 walang tatalo ang Super Swerte habang sa Race 2 dalawa ang napipisil na maglalaban sa unahan at ito’y kinabibilangan ng Song Of Silver at laban sa magka-couple entry na Empress Holly at Chrome Soft.


Sa Race 3 pang-primera ang napupuntong ang Yabba Dabba Doo, panegunda ang A Song for Gee, sa Race 4, ipinapatok ang Space Jam. Sa Race 5, pansolo ang Obra Maestra habang sa Race 6 pang-primera ang Princess Isabelle, panegundo ang I Love Matty. Sa Race 7,napipinto ang ‘Sagrada’ at panegunda ang Katuparan habang sa Race 8 walang kasing patok ang Star is Born.


Sa Race 9 napipisil ko ang Pharooh’s Queen at makakalaban ang Medallian D. Amor at sa Race I0 paniguro ang Super Sonic.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.