Super-saya, Sharon... KC, BALIK-'PINAS NA, NAKIPAG-BONDING AGAD SA MGA UTOL KAY GABBY
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 14, 2022

Nakabalik na sa 'Pinas si KC Concepcion. Sa pagbabalik ni KC na ilang buwan ding nanirahan sa Tate para ipagpatuloy ang pag-aaral ay agad siyang nakipag-bonding sa kanyang half-siblings sa amang si Gabby Concepcion.
Sa Instagram account, ipinost niya ang mga cute photos nila ng mga kapatid kung saan nasa Greenbelt, Makati ang mga ito.
"Family time well-spent brings a life of contentment!" caption ni KC sa kanilang mga kuhang larawan.
May mga nagtatanong naman na mga netizens, ngayong nandito na raw si KC, sasamahan daw ba niya ang kanyang second dad na si Senator Kiko Pangilinan sa campaign rally nito sa susunod na mga araw?





Comments