top of page

Super rich na raw bago pa nag-vlog… IVANA, PROUD NA IFINLEX ANG P200 M KOLEKSIYON NG LUXURY BAGS, SHOES AT DAMIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | January 23, 2026



WINNER - IVANA, PROUD NA IFINLEX ANG P200 M KOLEKSIYON NG LUXURY BAGS, SHOES AT DAMIT_YT Ivana Alawi

Photo: YT Ivana Alawi



Ibinalandra ni Ivana Alawi ang kanyang mga mamahaling imported bags sa My Closet Tour vlog niya sa YouTube (YT) channel na in-upload kahapon lang.


Proud daw si Ivana na ipakita ang kanyang closet sa buong mundo.

“Proud ako,” simula ni Ivana. 


Aniya, “Kasi nagbabayad ako ng tax. Saka mahilig ako manood ng closet tour. Ay, ang ganda n’yan. Gagayahin ko ‘yan.”


Nakakamangha ang collection ng mga bags, shoes at mga damit ni Ivana sa kanyang closet. From Hermès to Chanel dresses ang laman nito na kung susumahin ay aabot ng mahigit P200 milyon.


Sa Hermès bags pa lang, meron na siyang 20 pieces – from Himalaya to Birkin. Ang pinakamahal ay ang Himalaya bag niya na ayon sa Google ay naglalaro mula P12M hanggang P14M. 


Binili ni Ivana ang kanyang Himalaya Hermès bag sa Japan na binayaran niya through credit card.


Kabilang si Ivana sa iilang celebrities sa Pilipinas na may-ari ng Himalaya bag ng Hermès. Kaya lang, baka ibenta raw niya ito.


“Parang gusto ko na s’yang (bags) ibenta. ‘Di ko s’ya nagagamit, espesyal s’ya pero ‘di ko kayang gamitin. Once ko lang nagamit tapos natakot ako,” pagtatapat ni Ivana.


Meron din siyang collection ng Chanel bags na kinukuha niya ang lahat ng colors per design. Ganoon daw siya kung mamili ng bags.


Bukod sa mga bags na ipinakita sa vlog niya na nasa loob ng closet, may mga kinuha pa si Ivana na mga nakatagong Chanel bags.


Marami rin siyang branded shoes na hindi pa niya nagamit at naka-display lang sa kanyang cabinet. Mukhang never na rin daw niyang susuotin.


Naha-happy daw kasi siya na tinitingnan lang ang kanyang mga branded shoes. Dati raw kasi, wala siyang sapatos. At nang maging artista na siya, pinayuhan daw siya ng kanyang stylist na mag-collect ng maraming sapatos.


Identified daw si Ivana ng BIR bilang ‘exemplary in paying her taxes’, ayon sa Google. Honest daw kasi si Ivana Alawi sa pagre-report ng kanyang kinikita sa pagba-vlog.


Sabi pa sa Google, “She was already wealthy before starting her YouTube channel in 2019, inheriting significant assets from her father.”

Ganern???



Ninanakaw lang daw ng ilang pulitiko… 

OGIE, URONG-SULONG NA SA PAGBABAYAD NG TAX



NAGSENTIMYENTO si Ogie Alcasid sa nakatakdang pagbayad niya ng tax sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Lunes. 


Tila nag-alangan si Ogie sa pagbabayad ng buwis matapos ang malaking iskandalo ng korupsiyon sa pamahalaan last year.


Sa kanyang Facebook (FB) page kahapon ay ipinost ng It’s Showtime (IS) host ang kanyang saloobin.


Sabi ni Ogie, “This morning after my prayers and devotion, my accountant alerted me that taxes will be paid again and the deadline is on Monday.


“It can take a toll on us when we see how much we part with the hard work we put out and not know if our contributions are safeguarded.


“Perhaps God wanted me to pray harder for this country. We Filipinos deserve an honest government. Lord, please help the Philippines.”


Naka-relate ang mga netizens sa naramdaman ni Ogie at anila… “So true po, Sir Ogie. Knowing where, rather to whom our taxes really go and are used selfishly is heartbreaking.”


“Ang hirap magbayad ng buwis lalo na kung hindi sigurado kung saan mapupunta ang ibinabayad mo.”


“With all the issues of corruption in our country, we cannot help but doubt where our taxes will go again. Sa mga totoong proyekto ng gobyerno o sa bulsa ng iilang opisyal? Oh, God, please help our country and your people. Amen!”

‘Yun na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page