top of page

Rumampa sa Paris nang walang bra, utong nagmumura… HEART, NAKAKAHIYA RAW BILANG MISIS NG SENADOR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | March 10, 2026



HEART, NAKAKAHIYA RAW BILANG MISIS NG SENADOR/FB Heart Evangelista

Photo: FB Heart Evangelista



Usap-usapan ngayon online ang latest look ni Heart Evangelista sa Paris Fashion Week. 


Maraming netizens ang nag-react sa kanyang OOTD kung saan braless siya at halata ang nipples sa suot na manipis na damit. 


May mga humanga sa kanyang confidence at fashion risk, habang ang iba naman ay nagsabing daring ang look ng misis ni Sen. Chiz Escudero. 


Pinapatunayan lang daw ni Heart na isa siya sa mga Pinay na kayang makipagsabayan sa global fashion scene.


Fashion is all about expression at mukhang marunong talagang gumawa ng ingay si Heart sa international stage. 


Ang tanong tuloy ng mga netizens, “Ano’ng masasabi ninyo sa look na ‘to? Fashion statement ba o too bold?”


Ang mga komentong mababasa rito ay base sa sinasabi ng mga netizens at hindi kathang-isip lamang.


“I dare you, mga animal na Topacio, Suntay at kung anek-anek na DDSh*ts (Duterte Diehard Supporters), sabihin ninyo ‘yang mga pinagsasabi ninyong pambabastos sa kababaihan dito sa asawa ni Chiz. ‘Wag kayong selective.”

“Ganyan ba s’ya noong nakuha ni Keso (Chiz)?”


“Ano kaya problema ng mga DDS kina Anne and Jasmine?”

“Suntay at Topacio, ano’ng masasabi ninyong dalawa r’yan kay Heart?”

“Kulang na lang, mag-topless. Siguro, mahihiya si Heart magsuot ng ganyan kung buhay pa si Sen. Miriam Santiago.”


“‘Di ba kayo nag-iinit dito sa misis ni Chiz Escudero?”

“‘Di nila ‘yan gagawin sa asawa ni Chiz. Alam ninyo na kung bakit.”

“Naglalaway na r’yan sina Suntay at Topacio.”


“Isa lang ang sinasabi r’yan, masyado nang mahal ang bra ngayon.”

“Nagdamit pa? Kakahiya ang wife of a senator.”


“‘Di naman ka-imagine-imagine ‘yan. Puwede na ang one-night stand.”

“Tapos, ‘pag binastos, magagalit. Just saying.”


Ayan, may bago na namang pinagpipiyestahan ang mga netizens. Kada araw ay may bagong isyu. Paano na kaya ang usapin tungkol sa flood control at impeachment?


Come to think of it, ang galing nilang humawak ng mga trolls para mailihis sa mga taumbayan ang mga isyung pinag-uusapan ng mga mambabatas. Hanggang ngayon ay wala pa ring naipapakulong sa mga taong dapat maparusahan na alam na naman nila kung sino.


Si Anne Curtis ay nagsalita na, pero ang ginawa nila, tila ang aktres pa ang may kasalanan sa kanyang mga sinabi na sa totoo naman ay tama.

I-segue na rin natin ang sinabi ng isang attorney.


“Anne Curtis is not the enemy here. Let’s settle this once and for all, kasi sobrang haba na ng usaping ito that could have been an opportunity to push for women’s rights.


“She did not start the controversy. She was simply the person mentioned in a remark made by a public official during an official proceeding. When she responded, she did so calmly and pointed out a bigger issue. That when women are casually spoken about as objects of desire, especially in formal spaces like Congress, nagiging normal ang kultura ng disrespect.


“But instead of focusing on the conduct that started the issue, some DDS vloggers have now turned Anne Curtis into the target. She is being attacked, mocked and victim-blamed. The narrative shifted from discussing the behavior of a public official to attacking the woman who spoke up about it.”

Ano’ng sey n’yo rito, mga Ka-BULGAR?



NAGBIGAY ng taos-pusong mensahe si Angel Locsin para sa Women’s Day nu’ng March 8.


Ginunita niya ang Araw ng Kababaihan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mensahe na alay niya sa kababaihan sa kanyang Instagram (IG) Stories.


Sa kanyang post ay may larawan ng tatlong babae na kumpiyansang nakatayo sa harap ng skyline ng lungsod, dala ang watawat ng Pilipinas na sumisimbolo sa pagbibigay-kapangyarihan. 


Kasabay ng likhang-sining, ipinahayag niya ang mga pag-asa para sa higit na pagmamahal, paggalang at kabaitan sa mga kababaihan sa lahat ng dako.


Ang kanyang post ay sumasalamin sa diwa ng pandaigdigang pagdiriwang na nagbibigay-pugay sa mga tagumpay ng kababaihan habang itinataguyod ang pagkakapantay-pantay at dignidad.


Aniya sa caption, “Maligayang Araw ng Kababaihan sa lahat ng kahanga-hangang kababaihan d’yan. Ipakita natin ngayon ang pagmamahal, paggalang at kabaitan para sa lahat ng kababaihan.”


Sumulat din ang aktres ng “Maligayang Araw ng Kababaihan, mga minamahal na binibini.”

‘Yan ang ating Darna!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page