top of page
BULGARY -HEART, TODO-IWAS MAGPAINTERBYU SA FLOOD CONTROL ISSUE NI SEN. CHIZ-IG _iamhearte.

Super-laki raw ng budget… SHARON, GABBY, KC, SARAH AT MATTEO, SAMA-SAMA SA PROJECT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 2, 2026



TEKA NGA - SHARON, GABBY, KC, SARAH AT MATTEO, SAMA-SAMA SA PROJECT-IG _kristinaconcepcion & _concepciongabby & _justsarahgph

Photo: - IG _kristinaconcepcion & _concepciongabby & _justsarahgph



Isang malaking proyekto ang umano'y inihahanda ng Viva Entertainment katuwang ang Kapamilya Network para sa 2026. Malaki rin umano ang inilaan na budget para rito dahil sa mga artistang nakatakdang magsama-sama sa nasabing proyekto.


Excited na ang mga tagahanga nina Sharon Cuneta, Gabby Concepcion at KC Concepcion, gayundin ang mga supporters nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.


Wala pang opisyal na pahayag ang Viva Entertainment tungkol sa proyekto. Ngunit kung matutuloy, magiging magandang pagkakataon ito para sa inaabangang pagbabalik-showbiz ni KC Concepcion, lalo na’t makakasama niya ang kanyang mga magulang na sina Sharon at Gabby.


Ano kaya ang magiging partisipasyon nina Sarah at Matteo sa naturang serye? Kung magkakatotoo ang proyektong ito, tiyak na aabangan ito ng publiko dahil sa lakas ng hatak ng mga artistang kasama rito. 

Abangan!





Maarte, sosyal at spoiled daw… 

HEART, AMINADONG ‘DI HABULIN NG MGA LALAKI NOON



SA halip na magpaapekto sa mga bashers, mas pinipili ni Heart Evangelista na magpokus sa kanyang mga proyekto, kabilang na ang bagong game show ng GMA-7 na The People Have Spoken (TPHS), kung saan kasama niya bilang co-host ang Sparkle artist na si Sean Lucas.


Bago ang kanilang programa, nagkaroon muna ng bonding ang dalawa at sinagot ang ilang katanungan tungkol sa kanilang personal na buhay.


Marami ang naaliw nang aminin ni Heart na noong kanyang younger years ay hindi siya gaanong napapansin ng mga lalaki. Aniya, hindi naman siya kagandahan, pero hindi rin naman siya pangit. 


Inamin din niyang medyo maarte, sosyal at spoiled siya noon.

Ibinahagi rin ni Heart na isa siyang ‘certified daddy’s girl’.


Dalawa ang programa niyang napapanood tuwing Sabado sa GMA-7 — ang Heart’s World at ang game show na The People Have Spoken.





Bukod pa kay “mystery guy”... 

JILLIAN, AFTER KINA WILL AT MICHAEL, KAY KOBIE BROWN NAMAN



USAP-USAPAN ngayon ng mga fans ni Jillian Ward kung sino nga ba ang pinakamalapit sa kanyang puso at kung sino sa kanyang mga naging ka-love team ang pinakakomportable siyang katrabaho.


Unang na-link si Jillian kay Will Ashley matapos silang magsama sa ilang proyekto ng GMA-7. 


Kalaunan, kinilig naman ang mga fans sa tambalan nila ni Michael Sager dahil sa nakikitang chemistry ng dalawa.


Ngayon naman ay si Kobie Brown ang iniuugnay sa aktres dahil umano sa magandang samahan at nagkakasundong personalidad ng dalawa.


Samantala, marami rin ang nagtatanong tungkol sa tinatawag na ‘mystery guy’ na sinasabing magiging special guest ni Jillian sa kanyang concert sa Hulyo.

May sorpresa nga kaya siyang ihahayag sa publiko?





MAY malaking collaboration umano ang GMA Network at TV5 ngayong 2026.

Ayon sa mga usap-usapan, isang malaking serye ang kanilang paghahandaan na pagbibidahan ng mga kilalang artista at susuportahan ng malaking produksiyon.


Abangan ang opisyal na anunsiyo mula sa Kapuso at Kapatid Networks tungkol sa proyektong ito.


Kung matutuloy, isa itong pambihirang kolaborasyon na tiyak na aabangan ng mga manonood at mga artista mula sa magkabilang network.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page