top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Super-laki ng bato… ERICH, BATANG DONYA SA SUOT NA WEDDING RING

BULGAR
May 25, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 25, 2022



Nawindang ang mga netizens nang makita nila ang wedding ring ni Erich Gonzales.


May picture kasi ang aktres na pakiwari namin ay kuha sa living room ng bahay nila ng mister na si Mateo Lorenzo.


Nakaupo si Erich sa malaking sofa with matching long green skirt at may two green pillows behind her.


Napakaeleganteng tingnan ni Erich sa kanyang larawan kahit simpleng-simple lang ang kasuotan. Tingin nga namin ay isa siyang donya na batang-bata lalo pa't nangungusap ang kanyang wedding ring na suot sa laki ng bato nito.


Wala namang inilagay na caption si Erich sa kanyang Instagram account. Ang napansin ng netizen ay ang kulay ng aktres sa kanyang larawan.


"Natural ba 'yung kaputian niya?"


"Check mo 'yung Star Circle Quest days niya, morena siya."


"Hindi siya ganyan kaputi dati."


Pinansin naman ng isa ang daliri ni Erich, "Same kami ng kuko at daliri, ang ipinagkaiba lang, meron siyang diyamante. LOL! Sana ol."


"Ngiting tagumpay."


"Parang bihira sa celeb 'yung pudpod ang kuko at walang nail polish."


May nagtanggol naman kay Erich.


"Simple lang talaga siya, nakakatuwa :)"


"I like her simplicity and being private. She deserves it."


"That’s a man’s liking. Nakita ko na 'yan si Erich sa personal sa mismong bahay nila sa QC. We delivered something, white tee and maong shorts lang siya, then may kasama siyang isang kasambahay. Even pawis na pawis siya, hindi siya mareklamo. Normal na normal, walang make-up and all. We spent like 1 hr na kaharap siya and may pasalubong pa kami pag-uwi. Like her simplicity!"


"She’s radiant."


"Heto lang yata ang wala akong mababasang nega... Wala namang negative comments akong nababasa dito, gurl."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page