top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Super-lakas daw ng appeal… IVANA, TYPE NG RICH BUSINESSMAN-SINGER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 13, 2023
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 13, 2023



Kakaiba talaga ang alindog at sex appeal ni Ivana Alawi, kaya 'di na kami nagtataka kung bakit siya ang isinagot ng nagbabalik na singer-composer na si Gari Escobar nang tanungin namin kung sino ang gusto nitong maka-collab kung saka-sakali sa isa sa kanyang mga kanta sa second album niya titled Ikaw Lang, na siya ring single ng album.


Yes, binalikan ni Gari ang kanyang passion na pagkanta kahit pa successful businessman na rin naman siya ng mga health products at real estate.


Pero kung noon ay nakilala si Gari sa kanyang mga novelty songs na naipe-play na rin naman sa mga radio stations like Baguio, Lumaban Ka, Dito sa Piling Ko, Hanap Ko Pa Rin at Ayaw Kong Makita Ka, this time, gusto naman niyang mag-try ng ibang genre na uso ngayon.


Kaya naman gumawa siya ng second album titled Ikaw Lang at kasama nga rito ang Tanging Ikaw na gusto naman niyang kantahin para kay Bea Alonzo sa kasal nito (kung mabibigyan lang ng chance) kay Dominic Roque dahil idol din niya ang aktres.


Pero dahil ikakasal na nga si Bea, si Ivana na lang ang pantasyang makasama ni Gari at nagbiro pa nga itong nakuha na niya ito, pero sa panaginip lang.


Hindi lang basta singer si Gari Escobar dahil siya rin ang nagko-compose ng kanyang mga kanta.


Aminado siyang marami siyang hugot sa buhay kaya nakakasulat siya ng mga makabuluhang lyrics.


Nahihiya pa nga nitong inamin sa amin na umabot sa 37 heartaches ang kanyang pinagdaanan sa mga babae. Twenty daw doon ang nakarelasyon niya at ang 17 ay nagpaasa lang sa kanya at hindi sila nagkatuluyan o nabasted siya.


May masasakit din siyang pinagdaanan while growing up like pambu-bully nu'ng kabataan niya at mga rejections nga at panloloko mula sa ibang tao.


Pero hindi sumuko si Gari at nagsumikap siyang abutin ang kanyang mga pangarap kaya naging successful naman siyang negosyante.


Passion lang talaga niyang kumanta kaya naisipan niyang gumawa ng second album na wish niyang makapagbigay-inspirasyon sa maraming tulad niyang may mga pinagdaanan sa buhay.


Soon ay ilalabas na sa Spotify ang mga kanta sa second album ni Gari at umaasa siyang marami ang tumangkilik nito para makagawa pa siya ng mas maraming songs.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page