top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Super-inlabey kay Julie Anne…"SHE'S MY WORLD" — RAYVER

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 19, 2023
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 19, 2023




Kilig-overload ang first guesting nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose sa Fast Talk with Boy Abunda. Hindi ka lang kasi kikiligin sa kanilang mga sagot kundi pati sa kanilang mga aksiyon. Tinginan pa lang, sapat na, ‘ika nga. Talaga namang obvious na punumpuno sila ng pagmamahal sa isa’t isa.


Sa tanong kay Rayver kung ano ang pinakanagustuhan niya kay Julie Anne, sagot ng aktor, “Everything, Tito Boy, she’s my world,” sabay titigan nila nang malagkit.


“Very loving” naman ang sagot ni Julie Anne sa parehong tanong.


Habang patuloy ang fast talk ay napansin din ni Kuya Boy ang titigan ng dalawa at nagkomentong, “Alam mo, iba kayo magtinginan, huh!”


Tinanong si Rayver kung ano ang tawag niya kay Julie, at sagot ng aktor, “Jules, pero sa totoo lang, Tito Boy, ang tawag ko sa kanya, ‘My Love.’”


Nang si Julie Anne naman ang tinanong, “Pumpkin” at “Love” raw ang tawag niya kay Rayver at nagtawanan silang pareho.


Ang pinaka-killer question sa dalawa ay “Sino si Julie/Rayver sa buhay mo?”


Sagot ni Rayver, “Siya lang ‘yung nag-iisang babae sa buhay ko ngayon, Tito Boy.”


Sey naman ni Julie Anne, “Importante at mahal ko.”


Pero hindi pa roon nagtapos ang kilig dahil sa huli ay hiningan ng mensahe ni Kuya Boy ang dalawa para sa isa’t isa. Dito ay sinabi ng aktor na sure na siya na si Julie Anne ang gusto niyang makasama habambuhay.


Ani Rayver, “Gusto ko lang sabihin sa ‘yo na this is it. Kung ‘di mo man alam, pero (I’m) getting ready kasi ikaw na talaga ‘yung nakikita ko na makakasama ko habambuhay.”


Dagdag niyang paliwanag, “Noon kasi, nagre-ready ako for myself, Tito Boy. But now, I’m getting ready para sa mga future plans ko and future ko with her.”


Simple at maikli lang ang mensahe ni Julie Anne sa boyfriend. Aniya, “Basta kung nasa’n ka, du’n ako.”


Talaga namang umaapaw ang kilig ng mga netizens sa comment section.


“I was smiling the whole time watching this interview live on TV, tapos ngayon sa YT. Salamat.”


“Grabe... hindi ako kinilig for the longest time, ngayon na lang uli!!!!! I can't get over this interview,” komento naman ng isa pang viewer.


“Ang ganda ng smile talaga ni Julie, sobrang bagay sila ni Rayver. Bitin naman, Tito Boy. God bless sa show mo, lagi ako nagwa-watch,” sey ng isa pang netizen.


“Mula umpisa hanggang sa matapos, nakangiti lang ako sa inyong dalawa. Grabe na talaga kayo, JulieVer, napaka-sweet n'yo sa isa't isa,” sabi naman ng isa pang fan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page