top of page

Super in love sa BF… JULIE ANNE KAY RAYVER: I'M FOREVER YOURS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 22
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 22, 2025



Photo: Julie Anne San Jose at Rayver Cruz - IG



Isang matinding tribute ang ibinigay ni Julie Anne San Jose kay Rayver Cruz sa pagdiriwang ng kaarawan ng aktor last Sunday, July 20.


Nag-upload si Julie Anne ng mga videos ng sweet moments nila together ni Rayver at sa kanyang birthday message, talaga namang lahat na yata ng magagandang adjectives ay inilagay na niya para ilarawan ang boyfie.


“You are the most incredible, genuine, kind-hearted, determined, patient, hardworking, discerning, loving, and the list goes on... you always know how to put a smile on my face when I feel like my world is crumbling; you make me laugh out loud till my belly hurts; you take care of me first even when sometimes you forget yourself; you teach me how to stand on my own feet; you love me the most even when I’m at my worst; your love always makes me feel home, safe and sound. 


“These are just a few in a million reasons why I keep falling in love with you everyday,” sey ng Asia’s Limitless Star patungkol sa kanyang BF.


“Halo-halo ang emosyon ko sa pag-compile ng videos @rayvercruz dahil gusto kong ipakita sa lahat kung gaano ako kasuwerte at blessed sa ‘yo... I will always celebrate you. I pray for your good heart, mind and balance, and that you remain to be a ball of sunshine, just full of joy and love. Happy birthday mahal ko! I’m forever yours. My life has been magical with you by my side. I love you so much (kissing emoji),” patuloy niya.


Hirit pa niya, “P.S. (gusto ko sana i-share lahat ng ka-cute-an at kakulitan mo kaso baka maging 3 hours ‘tong video. Pahabol na lang sa susunod na kabanata. Hahahaha!)”

Sumagot naman si Rayver na labis na na-touch sa birthday message ng girlfriend.

“Huhuhu! Nakakaiyak naman, love. Ikaw lang ang kailangan ko sa buhay ko, mas suwerte ako. Mahal na mahal kita habang buhay,” mensahe naman ng aktor kay Julie Anne San Jose.



SOFIA, IBINULGAR KUNG BAKIT SILA NAG-UNFOLLOW NI DANIEL SA ISA'T ISA



MAINIT-INIT na tsismis ang handog ni Kuantie Melai Cantiveros sa hit Bisaya talk show na Kuan on One (KOO) Season 3 tampok ang tsikahan niya kasama sina Gerald Anderson, Sofia Andres at Daniel Miranda, Arthur Nery, Esnyr, Maris Racal, at iba pang Bisdak celebrity guests.


Patuloy ang pagtangkilik ng mga Kapamilya sa programa, na available sa ABS-CBN Entertainment YouTube (YT) channel at sa iWant, matapos itong makalikom ng pinagsama-samang higit 29 milyon online views para sa lahat ng episodes nito mula pa noong unang season at pinupuri ito para sa walang humpay na Bisaya vibes na hatid ng show.


Napapanood na ang pinakabagong episode kasama ang Incognito star na si Maris kung saan nagbigay siya ng ilang life updates tulad ng kumusta na ang kanyang love life at kung paano niya nalagpasan ang ilang mga pagsubok sa buhay. 

Isa rin sa mga guests ng programa ang isa sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 3rd big placer duo na si Esnyr kung saan puno ng good vibes ang hatid nito. 


Bukod sa pagtalakay ng kanyang viral social media videos, alamin kung bakit kinuhanan si Esnyr ng sariling hotel room ni Donny Pangilinan habang ginagawa nila ang pelikulang Love is Color Blind (LICB) kasama si Belle Mariano. 


Ang Sins of the Father (SOTF) star na si Gerald naman ang nakakuwentuhan ni Melai sa unang episode tungkol sa kanyang teleserye comeback, mga pangarap nila ng dyowang si Julia Barretto, at iba pang karanasan niya bilang Kapamilya heartthrob.


Game na game rin sumalang ang celebrity couple na sina Sofia at Daniel sa ikalawang episode kung saan umamin ang dalawa kung bakit sila nag-unfollow sa isa’t isa sa social media noon. Nagkuwento rin sila ng masayang karanasan bilang mga magulang, kung paano nila napapanatiling matatag ang kanilang relasyon, at kung bakit in love na in love pa rin sila sa isa't isa hanggang ngayon.


Nagkuwento naman ang OPM hugot hitmaker na si Arthur Nery ng kanyang mga pagsubok sa buhay at kung paano niya nagamit ang mga karanasan niyang iyon sa pagsusulat ng mga kanta, katulad lamang ng patok niyang awitin na Pagsamo.


Sa episode ngayong araw (July 22) ay tampok ang isa sa PBB Celebrity Collab Edition 3rd big placer duo at GMA artist na si Charlie Fleming. 


Handog din ng KOO Season 3 ang iba pang mga bagong bisita na mga Bisdak icons mula sa mundo ng showbiz, social media, beauty pageants, at marami pang iba. Mapapanood ang mga bagong episode kada Martes, 8 AM. 


Samantala, eksklusibong mapapanood ng Super Kapamilya members ang extended na kuwentuhan sa ‘Kuantuhan Uncensored’ tampok ang iba pang mga tanong at rebelasyon ni Melai kasama ang kanyang mga bisita. Para ma-access ito, pumunta sa membership tab ng ABS-CBN Entertainment YouTube (YT) at i-click ang ‘join.’


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page