Super-imbiyerna sa nilayasang mister ni Jennica… JEAN, BINARA-BARA SI ALWYN SA PAMBABASTOS SA KANYA
- BULGAR
- Jun 30, 2021
- 2 min read
BILANG BIYENAN
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 30, 2021

Hindi itinago ni Jean Garcia ang kanyang nararamdaman sa sunud-sunod na paghingi ng tawad ng manugang na si Alwyn Uytingco sa anak niyang si Jennica Garcia.
Matatandaang nitong nakaraang Mayo ay kinumpirma ni Jennica na hiwalay na sila ng asawang si Alwyn sa isang panayam sa GMA-7. Hindi na nagbigay ng detalye ang aktres kung bakit sila naghiwalay.
Matapos ang kumpirmasyon ni Jennica, sunud-sunod naman ang posts ni Alwyn sa kanyang Instagram page at humihingi ng tawad sa asawa.
“Ang dami ko gusto sabihin. Pero hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng salita. Hindi ko ‘to gustong pahabain pa. Ang gusto ko lang malaman mo, at 'wag na 'wag mong kakalimutan.. mahal na mahal kita. @jennicauytingco,” ang isa sa mga posts ni Alwyn.
Dedma lang si Jennica sa post na ito ng estranged husband, pero ang nanay niya ang hindi nakapagpigil at sinagot ito.
“Wow! Galing mo after everything?!!! Wow ulit!!!” reaksiyon ni Jean.
Sinagot din ni Jean ang isang post ni Alwyn na family photo nila ni Jennica at dalawang anak at sa caption, sinabi ng aktor na umaasa siyang maaayos pa ang lahat sa pagitan nila at ipinagdarasal daw niya ito araw-araw.
Sagot ni Jean, “Talaga ba 'yan, Alwyn?!!! Sana, sinagot mo message ko sa 'yo…respeto kase 'yon bilang magulang ni Jennica. Kausapin mo kaya ako para magkaintindihan tayo! Ok ka lang ba?!”
Muling nag-post si Alwyn ng larawan ng kanilang 2 anak at sa caption, aniya, “I love you mga anak!”
Sinagot din ito ni Jean na hindi maitago ang galit sa manugang.
“Wow, ngayon naiisip mo mga anak mo??? Tama naman 'yan pero 'yung heartaches ni Jennica sa 'yo?! Ok ba?!!! Tanong lang, Alwyn???” sey ni Jean na halatang imbiyerna.
Sa madamdaming birthday greetings ni Alwyn sa anak nilang si Alessi, muli ay nagkomento si Jean.
“Haaayyy kawawa kase ikaw 'di ka marunong makipag-usap, Alwyn, respeto lang hinihingi ko sa 'yo, 'di ka marunong rumespeto sa mother-in-law mo…'yun lang naman…just saying!!!” sabi ni Jean.
Sa latest post ni Alwyn kahapon ay patuloy pa rin ang paghingi niya ng tawad kay Jennica. Nag-upload siya ng throwback photo nila ng asawa during happier times.
“Mahal kita, @jennicauytingco. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Patawad sa lahat ng pagkakamali ko. 'Di mahalaga kung ano sabihin nila.. ang mahalaga para sa 'kin ay mga salita na manggagaling sa 'yo. Natalisod man ako, hindi ko hahayaan na nandito lang ako. Babangon ako, mahal. At patuloy na babagtas patungo sa 'yo. Mahal na mahal kita,” caption ni Alwyn.





Comments