Super happy sa bago niya, Daniel… KATHRYN, EXCITED NA SA MGA GAGAWIN NILA NI JAMES
- BULGAR

- Aug 31, 2025
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 31, 2025

Photo: Kathryn Bernardo at James Blanco - IG
Tulad ng ibang Pilipino, nagrereklamo rin si Nadine Lustre tungkol sa mainit na pinag-uusapan ngayong anomalya sa flood control projects sa ating bansa. Naglabas ng sentimyento ang aktres nang mahingan siya ng opinyon ng TV5 reporter na si MJ Marfori tungkol sa isyu.
“I think, you know, obviously people are going to react kasi with everything that’s been going on with the typhoons, with the flood and everything, people are not seeing any improvement. So, obviously, mali talaga, mali talaga,” sabi ni Nadine.
Ayon pa sa aktres, nalulungkot siya na makita ang paghihirap ng mga tao na nawawalan ng bahay at kabuhayan dahil sa baha na hindi mabigyan ng solusyon.
“And I’m really sad seeing that people are really struggling and, you know, are going through all of these things, like losing their homes, even losing their pets, livelihood, just because we can’t find a solution for it,” aniya.
Dagdag pa niya, “Tapos s’yempre, nakakagalit at nakakalungkot na makita na ‘yung ibinabayad nating mga buwis, sa ganu’n lang napupunta.
“So I am not really very much updated on whatever it is that’s going on. I am, however, aware of, you know, the budget for flood. Pero ‘yun nga, nakakainis talaga,” sabi pa ng aktres.
Magkagayunman, natutuwa naman si Nadine na ang sambayanan na mismo ang nagsasalita at nagpapahayag ng kanilang mga reklamo hinggil sa nangyayari.
“It is good that people are speaking up. It is important we are heard by the people. When you stand up for yourself, people will do something about it. At the end of the day, they have to take care of people. We are paying them to help us and make things better for us,” saad ni Nadine.
NAYANIG ang social media matapos ang sorpresang anunsiyo ng tambalan nina Kathryn Bernardo at James Reid para sa isang ABS-CBN teleserye kung saan nagtala ang video teaser ng higit 3.5 milyong views sa loob ng 24 oras.
Natuwa ang mga fans sa pangmalakasang tambalan ng Asia’s Superstar at ng Multimedia Prince para sa kauna-unahang teleseryeng pagbibidahan nila.
Aminado si Kathryn na hindi rin niya inasahan na makakapareha si James.
“Hindi ko in-expect, baka si James din, hindi niya in-expect. Sino’ng mag-aakala na pagkatapos ng ilang taon, at galing pa kami ng kani-kanyang love team, na magkakasama kami para sa comeback teleserye namin? Posible na talaga ngayon. Excited na kami,” sabi ng aktres sa panayam ng TV Patrol.
Nagpatikim din si Kathryn sa mga dapat abangan mula sa teleserye nila at sinabing, “Nakakapanibago ito. Ang ganda-ganda ng konsepto ng series na ito. Sa lahat ng kuwentong ipinakita, ito talaga ang gusto kong gawin kasi hindi lang ito tungkol sa pag-ibig. Tungkol din ito sa pagkakaibigan, pamilya, at mga babae.”
Inanunsiyo ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment ang tambalan nina Kathryn at James kahapon (Agosto 29) sa pamamagitan ng isang video teaser kung saan makikita ang nakakakilig na chemistry ng dalawa habang kinukunan sila ng mga litrato para sa look test ng serye.
Abangan ang iba pang detalye tungkol sa serye at kung sinu-sino pang artista ang makakasama nina Kathryn at James.
Ito ang nagsisilbing comeback teleserye nilang dalawa pagkatapos ng 2 Good 2 Be True (2G2BT) ni Kathryn Bernardo noong 2022, at Till I Met You (TIMY) ni James Reid noong 2016.








Comments