top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

‘Suntok sa buwan’ lang ang pangako ng mga pulitiko, buwisit!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 6, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 06, 2021



PANELO, TODO-PAMUMULITIKA KASI GUSTONG MASAMA SA ‘TIKET’ NG “DUTERTE-DUTERTE 2022”—Viral ngayon sa social media ang nagkalat na mga pagkalaki-laking billboard at tarpaulin ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na may nakasaad na “Panalo Tayo ‘Pag May Pagbabago” at “PanSen N’yo” (Panelo Senador n’yo) sa Metro Manila.


Kaya naman pala kahit may COVID-19 pandemic ay panay ang pamumulitika ni Panelo na malakas na tandem daw ang “Duterte-Duterte 2022” (Mayor Sara Duterte-Carpio for president at P-Duterte for vice-president) ay gusto pala niyang makasama sa tiket ng team Duterte sa 2022 elections, boom!


◘◘◘


PATALBUGAN SINA PACMAN AT PANELO SA PANGDEDENGGOY SA MAMAMAYAN—Matapos sabihin ni Sen. Manny Pacquiao na pangarap niyang bigyan ng pabahay na ‘style-condo’ ang mga iskuwater sa bansa ay sinabi naman ni Panelo nais niyang pabigyan sa pamahalaan ng tig-P10-K monthly ang lahat ng nanay sa Pilipinas.


‘Yan si Panelo, ayaw patalbog sa pandedenggoy ni Pacman sa publiko para lang makuha ang boto ng mga ‘to sa 2022 elections, mga pwe!


◘◘◘


PULITIKONG NANGANGAKO NG ‘SUNTOK SA BUWAN’, IBASURA SA HALALAN—Ang nais ni Pacman na bigyan ng pabahay ang lahat ng iskuwater at nais ni Panelo na bigyan ng tig-P10-K monthly ang mga nanay ay asahan nang matutulad lang sa mga campaign promise ni P-Duterte noong 2016 presidential election, na matapos manalo, ang mga ipinangako ay napako.


Kaya’t panawagan sa publiko, na ang sinumang pulitiko na nangangako ng “suntok sa buwan” ay ibasura sa halalan kasi kapag nanalo ang mga ‘yan, asahan nang wala silang gagawing matino sa bayan at sa mamamayan, period!


◘◘◘


KUNG TOTOO ANG SARA-GIBO TANDEM, KASINUNGALINGAN PALA ANG SINABI NG MAYORA NA AYAW NIYANG MAGING PANGULO—Kinumpirma ni dating Camarines Sur Cong. Rolando Andaya na tuloy na raw ang tandem na Sara-Gibo Teodoro sa halalang 2022.


Kung totoo ito, aba’y lumalabas na nagsisinungaling pala si Mayor Sara sa sinabi niyang ayaw niyang kumandidatong pangulo, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page