SUNSHINE AT BAGONG DYOWA NI CESAR, NAG-DANCE SHOWDOWN
ni Nitz Miralles - @Bida | September 29, 2022

Nagpasalamat si Sunshine Cruz sa mga positive comments sa pagkakasundo nila ni Cesar Montano at friend na rin nito ang partner ngayon ni Cesar na si Kath Angeles.
Ang ganda nga namang pagmasdan na maayos ang kanilang blended family at everybody happy.
Ang positive ng mga comments sa naturang post ni Sunshine sa Facebook at sinagot niya ang nag-comment na sana ay naka-tag kay MB (Marjorie Barretto) at baka raw magbago ang isip nila na kasama sa tinukoy ay si Dennis Padilla.
Sagot ni Sunshine, “Magkaiba po kasi ang sitwasyon ng bawat pamilya kaya it will be unfair to compare us to any other family. We have no idea po what’s really happening and the hurt they are feeling. It will be nice to just pray for them.”





Comments