Suns, Lakers, Celtics at Blazers, mga maiinit
ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 02, 2021

Tabla na ang Phoenix Suns para sa liderato ng buong NBA matapos nilang pabagsakin ang dating nag-iisang numero uno Utah Jazz, 121-100, sa tampok na laro kahapon sa Phoenix Suns Arena. Kasalukuyang parehong may kartadang 45-18, mananaig ang Suns kung sakaling manatili silang tabla dahil winalis ang Phoenix ang tatlo nilang laban ngayong taon.
Nanguna sa Suns si Devin Booker na may 31 puntos at sinundan ni Mikal Bridges na may 18. Tiyak na babalik na ang Phoenix sa playoffs matapos huling makapasok noong 2010.
Tahimik na bumalik sa aksyon si LeBron James subalit hindi ito naging sapat na tagumpay ang bisitang Sacramento Kings sa defending champion Los Angeles Lakers, 110-106. Nagpasikat si rookie Tyrese Haliburton na may 23 puntos st 10 assist habang may 22 si sentro Richaun Holmes.
Bumuhos ng 60 puntos si Jayson Tatum upang pahabulin ang Boston Celtics at magtagumpay sa bisitang San Antonio Spurs sa overtime, 143-140, sa NBA kahapon mula sa TD Garden. Lamang ang Spurs ng 32 noong second quarter, 65-33, subalit hindi sumuko ang Celtics at pinantay ni Tatum ang 60 ng alamat na si Larry Bird na naabot noong Marso 15, 1985 sa 126-115 panalo kontra sa Atlanta Hawks.
Ginulat ng bisitang Portland Trail Blazers ang numero uno sa Eastern Conference Brooklyn Nets, 128-109, salamat saw along tres ni Damian Lillard para magtapos na may 32 puntos habang 23 puntos at 11 rebound si Jusuf Nurkic. Hawak pa rin ng Nets (43-21) ang liderato habang ika-pito ang Blazers (35-28) sa Western Conference.
Tinambakan sa ikalawang sunod na pagkakataon ng Philadelphia 76ers ang Atlanta Hawks, 126-104, sa bisa ng double-double ni Dwight Howard na 19 puntos at 11 rebound at umakyat sa 42-21. Tinalo ng 76ers ang Hawks noong isang araw, 127-83, at ngayon ay kalahating laro na lang ang hinahabol sa Nets habang pumantay ang Atlanta sa Boston sa 34-30.





Comments