top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Suns, Bulls, Raptors at Grizzlies, nanligpit

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 4, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 04, 2021




Nagtayo ng bagong marka na 18 para sa pinakamaraming sunod-sunod na panalo ang Phoenix Suns matapos iligpit ang bisitang Detroit Pistons, 114-103, sa NBA kahapon mula sa Footprint Center. Ito na ang pinakamahaba sa 52 taon kasaysayan ng prangkisa at naging solong numero uno sa buong liga sa kartadang 19-3 habang pinakakulelat ang Pistons sa 4-18.


Nagsabog ng tig-19 puntos sina Cameron Payne at Cameron Johnson habang 18 pts. si Mikal Bridges sa balanseng atake ng Suns. Hindi naglaro si Devin Booker dahil masakit ang hita. Mag-isa na ang Chicago Bulls sa 2nd place sa Eastern Conference sa bisa ng 119-115 panalo sa New York Knicks kasabay ng talo ng World Champion Milwaukee Bucks. Bumitaw ng walong sunod na puntos si Zach LaVine upang ibalik ang lamang sa Bulls na may 53 segundo sa orasan, 113-111, at tinapos ni DeMar DeRozan ang laban sa dagdag ng 9 puntos.


Nanguna si DeRozan na may 34 puntos habang parehong 27 puntos sina LaVine at Nikola Vucevic. Numero uno pa rin sa East ang Brooklyn Nets sa 15-6.


Samantala, makakahinga na ng maluwag si LeBron James matapos payagan na maglaro muli nang mag-negatibo na sa COVID-19 ng dalawang beses at ipawalang-bisa ang hindi malinaw niyang positibong resulta noong Nobyembre 30. Isang laro lang ang inilban ni James kung saan wagi ang bisitang Lakers sa Sacramento Kings.


Kumapit sa huling minuto at pinutol ng Toronto Raptors sa anim ang sunod-sunod na panalo ng bisitang Bucks, 97-93. Ipinasok nina Fred VanVleet at rookie Scottie Barnes ang magkasunod na buslo upang lumayo ang Raptors sa last two minutes, 93-85. Literal na bumaha ang puntos sa 152-79 tagumpay ng Memphis Grizzlies sa Oklahoma City Thunder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page