top of page
TALKIES - KAREN, PROUD NA PROUD NA NAKAUSAP SI ANGELINA JOLIE_FB Karen Davila.jpeg

Sunog sa Parañaque, 4 sugatan

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Gina Plenago @News | November 16, 2026



sunog sa isang bahay sa Linotype St., Fourth Estate Subd., Brgy. San Antonio, Paranaque

Photo: Sunog sa isang bahay sa Linotype St., Fourth Estate Subd., Brgy. San Antonio, Paranaque - Circulated



Sugatan ang apat katao sa sunog na sumiklab sa mga kabahayan kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.


Alas-5:44 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Linotype St., Fourth Estate Subd., Brgy. San Antonio na umabot sa ikatlong alarma.


Alas-7:33 ng umaga nakontrol ang apoy nang magtulong-tulong ang mga tauhan ng BFP-Parañaque, City Disaster Risk Reduction and Management Office, City Environment and Natural Resources Office, fire volunteers, at ilang responder mula sa mga lungsod ng Muntinlupa, Las Piñas, at Makati bago ideklarang fire out alas-8:01 ng umaga.


Ginamot naman ng mga kawani ng Philippine Red Cross ang apat na nagtamo ng mga paso sa katawan. Umabot naman sa 60 pamilya o 30 kabahayan ang naapektuhan.


Pansamantalang pinatuloy ang mga nasunugan sa evacuation center ng Brgy San Antonio kung saan sila pinadalhan ni Mayor Edwin Olivarez ng mainit na pagkain at iba pang mga pangangailangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page