Sumunod sa yapak ng tiyahin… MGA PAMANGKIN NI LARA MORENA, PARE-PAREHO RING NAG-SEXY STAR
- BULGAR
- Mar 13, 2022
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | March 13, 2022

Lahi ng magaganda at pawang mga morena ang pamilya ng dating sexy star in the 90’s na si Lara Morena at tatlo sa mga pamangkin niya ang sumunod sa yapak niya — sina Stephanie Raz, Micaella Raz at Angela Morena.
Ang mga naging pelikula ni Stephanie ay ang Pornstar 2: Pangalawang Putok; Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie Aussie (O sige); Hugas; at L Series.
Si Micaella ay sa Island of Desire at si Angela ay bida sa X-Deal 2.
Sa virtual mediacon ng X-Deal 2, kasama ni Angela si Rob Guinto at si Josef Elizalde, at inamin ng dalawang sexy stars na na-enjoy nila nang husto ang bonding nilang tatlo dahil sa 10 days locked-in shoot at nagkakilala sila nang husto.
Kaya natanong ang dalawang girls kung ano ang memorable experience nila sa shoot.
Naunang sumagot si Rob, “'Yung nagkaroon po kami ng workshop with Direk Carla, as in sobrang dami po naming natutunan sa kanya and akala namin na hanggang dito (pagpapa-sexy) lang ang kaya namin pero meron pala na mas mailalabas kami. With production (staff), sobrang saya lalo na ‘yung mga pinuntahan po namin.”
Ang kakaibang experience naman ni Angela, “Isa sa memorable ko ‘yung kay Ate Rob, kasi magkasama kami sa room, tapos magkatabi kami (matulog). Itinabi talaga namin ‘yung bed namin para mapraktis ‘yung chemistry namin (isa sa kanila ay lesbian sa movie) at naglalagayan kami ng plaster (sa pribadong bahagi ng katawan), hahahaha!”
Napahiyaw si Rob sa background sa pagka-taklesa ni Angela dahil kinaswal lang nito ang pagkukuwento.
Sa pagpapatuloy ni Angela, “I’m really proud sa X-Deal 2 kasi sobrang saya sa cast at production.”
May kasabihan nga tayo na YOLO, “You Only Live Once.” Kaya dapat 'wag kang matakot sumubok ng mga bagong bagay. Pero minsan, sa kagustuhan nating masubukan ang lahat, nalilimutan natin na may mga bagay na hindi natin dapat gawin.





Comments