top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

JOSHUA AT JULIA, NA-MISS ANG ISA’T ISA, TODO-BIGAY SA TIKIMAN

Writer: BULGAR
BULGAR
37 minutes ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 2, 2026



TEKA NGA - JOSHUA AT JULIA, TODO-BIGAY SA TIKIMAN-IG _garciajoshuae

Photo: IG _garciajoshuae



Ibang klase ang suporta kay Joshua Garcia ng kanyang mga tagahanga, ang Tropang Joshua. Nag-sponsor ang mga ito ng special block screening sa VIP Cinema ng Fisher Mall para sa pelikulang Always Yours, Never Mine (AYNM). 


Dalawang block screenings ito at pinasaya nila ang maraming senior citizens. Personal na dumalo si Joshua para sa meet and greet.


Well, very accommodating naman siya at nagpa-selfie sa mga lola.

May surprise advance birthday gift na cake rin ang Tropang Joshua para sa kanilang idolo na magdiriwang ng kanyang 29th birthday sa October 7.


Samantala, marami pa ring fans ang kinikilig sa tambalang JoshLia (Joshua at Julia Barretto). Bale reunion movie nila ang AYNM na idinirek ni Cathy Garcia-Sampana.


Masalimuot at kumplikado ang kuwento ng love story nina Joshua at Julia sa movie. Maraming pagsubok silang pinagdaanan, pero sa huli ay sila pa rin ang pinagtagpo at itinakda para sa isa’t isa.


Well, in real life ay may kani-kanyang partner-karelasyon na sina Joshua at Julia, kaya hindi sila nailang sa isa’t isa habang isinu-shoot nila ang movie. Pareho na rin silang maligaya sa kanilang love life.


Ang kapansin-pansin sa Always Yours, Never Mine ay nag-mature nang pareho sina Joshua at Julia sa kanilang pagganap bilang Luna at Apollo. Bigay na bigay ang kanilang kissing scenes. 


Well, mukhang na-miss nila ang isa’t isa.





Maraming fans ni Kelvin Miranda ang natutuwa dahil sa magandang exposure na ibinigay sa kanya sa seryeng The Master Cutter.

Kakampi siya ni Natoy (Dingdong Dantes) at isa siya sa mga tutulong upang mailigtas ito sa sindikato. 


Hindi lang siya pangdekorasyon sa kanyang guesting dahil mahaba-haba rin ang kanyang role at mapapasabak din sa mga action sequences. 


Isa si Kelvin sa Sparkle artists na may magandang future. Puwede siya sa kahit na anong klaseng role, at puwede na rin siyang pambida at sundan ang yapak ni Ruru Madrid.


Napakasipag at professional sa trabaho ni Kelvin dahil siya ang breadwinner. Kahit na nagluluksa pa dahil sa pagpanaw ng kanyang ama, sinisikap niyang maka-move on upang maitaguyod ang kanyang ina at mga kapatid. 


Wala siyang masyadong TV guestings at regional shows ngayon, but in due time, mabibigyan din siya ng malaking project ng GMA Network at magiging malaking artista rin.


Basta ituloy niya ang magandang work attitude, manatiling humble at makisama sa mga artists.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page