top of page
WINNER - MOCHA, NAGSALITA NA SA KALAT NANG NABUNTIS NI SEN. ROBIN-IG _mochauson & _robinpa

Sumuko, wala raw tiwala sa korte, pulis... Papatayin nila ako — VP Sara

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

by Jeff Tumbado @News | September 6, 2026



Sara Duterte - Circulated

Photo: Sara Duterte - Circulated



Sumuko at nagpiyansa si Vice President Sara Duterte ng kabuuang P360,000 sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 98 nitong Sabado, Setyembre 5, matapos ang warrant of arrest na inilabas laban sa kanya para sa tatlong bilang na kasong grave threats.


Itinakda ng korte ang piyansa sa P120,000 para sa bawat isa, matapos nitong makita ang probable cause upang iharap sa paglilitis ang Bise Presidente.


Personal na nagtungo si Duterte sa QC RTC upang sumunod sa proseso matapos maglabas ang korte ng warrant of arrest laban sa kanya noong Biyernes.


Sa kanyang pagdating at habang naghihintay sa korte, nagpahayag si Duterte ng pangamba sa presensya ng mga pulis na nakatalaga sa lugar.


Sinabi ni Duterte na hindi siya ligtas at nangangamba para sa kanyang mga anak.

"I have documented threats and harassment since 2023. I fear for my children. I do not feel they are safe if I am with them," aniya.


"Umalis na nga ako kung nasaan mga anak ko para pumunta sa korte pero pumunta pa rin ang pulis," dagdag niya.


"I do not feel safe. Pakiramdam ko papatayin nila ako," sabi pa ng Bise Presidente.

Hiningi rin ni Duterte ang tulong ng mga mamamahayag upang maging maayos ang kanyang paglabas ng gusali. Nagpasalamat din siya sa media sa pagdodokumento sa kanyang pagpunta sa korte.


Nang tanungin tungkol sa susunod niyang hakbang at pananaw sa justice system, sinabi ni Duterte na wala na siyang tiwala sa mga institusyon ng gobyerno.


“Wala na akong tiwala kahit kanino maliban sa taumbayan,” ani Duterte.

Ang kaso ay nag-ugat sa kanyang online press conference noong Nobyembre 2024 kung saan sinabi niyang mayroon siyang kinausap na isang tao upang patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at noo'y House Speaker Martin Romualdez sakaling siya ay mapatay. Itinanggi ni Duterte na isa itong aktuwal na banta.


Noong Setyembre 4, naglabas ang QC RTC Branch 98 ng warrant of arrest matapos nitong tanggihan ang mosyon ng kampo ni Duterte na ipagpaliban o bawiin ang warrant at ipawalang-bisa ang mga impormasyon laban sa kanya.


Matapos ang kanyang pagharap sa korte at pagbabayad ng piyansa, na-lift ang warrant of arrest laban sa Bise Presidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page