top of page
Nadine Lustre - Zero Studio PH.jpg

P2.50 dagdag-presyo sa diesel, P1.50 rollback sa gasoline

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | October 24, 2026



PCG pinagbabaril ng riding-in-tandem - Circulated

Photo: File



Inaasahang magkakaroon ng magkakaibang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.


Ayon kay Jetti Petroleum President Leo Bellas sa isang advisory nitong Biyernes, posibleng tumaas ng P2 hanggang P2.50 kada litro ang presyo ng diesel sa susunod na linggo.


Samantala, inaasahang bababa naman ng P1 hanggang P1.50 kada litro ang presyo ng gasolina.


Patuloy umanong umaakyat ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa tumitinding mga pag-atake ng Houthi sa mga imprastraktura ng Saudi Arabia at sa mga sasakyang pandagat sa Gulf, na nagdudulot ng pangamba sa posibleng pagkaantala ng suplay ng langis.


Gayunman, sinabi ni Bellas na hindi pa kabilang sa pagtataya ang lingguhang pagbabago sa singil sa kargamento o freight costs.


Ang naturang price forecast ay nakabatay sa unang apat na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at sa paggalaw ng palitan ng piso at dolyar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page