Sumikat daw nang bongga… SEN. LITO, AMINADONG NAGING SENADOR ULI DAHIL SA ANG PROBINSYANO
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 24, 2023

Pagkatapos magmarka ang kanyang huling teleserye sa ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Romulo o “Pinuno” na leader ng Pulang Araw group, nagbabalik muli si Sen. Lito Lapid sa telebisyon. This time ay sa FPJ’s Batang Quiapo naman na pinagbibidahan pa rin ni Coco Martin.
Nakatsikahan ng entertainment press kahapon si Sen. Lito sa kanyang thanksgiving and pre-Valentine lunch at naikuwento nga niyang magsisimula na siyang mag-taping ng FPJBQ. Similar to pinuno pa rin ang kanyang magiging role, but this time, parang Supremo naman daw ang itatawag sa kanya.
“Parang ako raw ‘yung pinaka-hari ng mandurukot o supremo sa Quiapo. Parang ‘yung role ni FPJ (yumaong Fernando Poe, Jr.) du’n sa Batang Quiapo,” kuwento ng action star-pulitiko.
Of course, kahit nasa pulitika siya ay hindi raw niya puwedeng kalimutan ang industriyang pinagmulan niya kaya naman paminsan-minsan ay tumatanggap pa rin siya ng proyekto.
Hindi naman daw magkakaroon ng conflict dahil may mga araw na wala naman silang pasok sa Senado.
Besides, napakalaki ng utang na loob niya kay Coco na hanggang ngayon daw talaga ay hindi niya nakakalimutan. Ina-attribute niya raw talaga ang kanyang pagkakapanalo bilang senador nu'ng nakaraang eleksiyon sa FPJAP.
“Hindi naman lingid sa ating lahat na nakilala ako ng mga millennial. Dati kasi, mga senior citizens lang ang nakakakilala sa akin. Mga pelikula ko noong araw, tinatawag akong Leon Guerrero. Pagkatapos ng Probinsyano, tinawag ako na ‘Pinuno,’ ‘yun ang kilala ng mga kabataan.
“Lalung-lalo na nu'ng tumakbo akong senador, tumaas ‘yung ranking ko, naging No. 7 ako.
Kaya nagpapasalamat ako unang-una kay Coco Martin dahil nabuhay uli ang career ko bilang artista, at ngayon nga, nabibigyan na naman kami ng pagkakataon dito sa Batang Quiapo,” he said.
Kasama rin ni Sen. Lito ang anak niyang si Mark Lapid na magkakaroon din ng parte sa FPJBQ.
“Abangan n’yo po kung ano ang magiging role namin, sana magustuhan n’yo. Alam naman natin na mabusisi si Coco at hindi gumagawa nang basta-basta. Gusto niya, ‘yung magugustuhan ng tao,” pahayag pa ng action star-senador.





Comments