top of page

Sumikat dahil sa mga kanta ng composer… SHARON, WA' SUPPORT SA MOVIE NI REY VALERA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 25, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 25, 2023




Maraming fans ni Rey Valera ang nagsasabing sana ay suportahan at i-endorse naman ni Megastar Sharon Cuneta ang movie na Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko na hango sa tunay na kuwento ng buhay ng singer-composer na si Rey Valera.


Si Valera ang nagsulat ng kantang Mr. DJ na unang kanta na ini-record ni Sharon noong siya ay 12 years old pa lamang. Si Sen. Tito Sotto ang nakiusap noon kay Rey na isulat niya ng kanta si Shawie na isang baguhan pa lamang.


Mr. DJ ang unang awiting ini-record ni Sharon at pumatok ito sa mga bagets. Madalas din itong patugtugin ng mga radio DJs noon.


Ang Mr. DJ ay sinundan ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko na pumatok din sa masa.


Ang ilan pa sa mga compositions ni Valera na ini-record ni Sharon ay ang Sinasamba Kita, Maging Sino Ka Man, Kung Tayo'y Magkakalayo, Tayong Dalawa at Walang Kapalit.


Bumagay ang lahat ng nasabing kanta kay Megastar at malaki ang naitulong nito sa kanyang pagiging recording artist.


Hopefully, maalala ni Shawie ang mga naitulong ng mga awitin ni Rey Valera sa kanyang career.


Anyway, marami ang nag-aabang na sa pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko na pinagbibidahan ni RK Bagatsing at produced ng Saranggola Films, na ang producer ay si Edith Fider.


Ngayon gaganapin ang Celebrity Premiere Night ng movie sa Gateway Theater, Cubao.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page