top of page
SPECIAL - SERIES NINA IAN AT HARVEY TUNGKOL SA DRUG WAR, IPINA-STOP SA YOUTUBE_FB Rhein En

Sumalpok sa tricycle, school service, poste... Pickup nang-araro, 4 nadale

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | October 8, 2026



Pickup truck na nang-araro sa Brgy. North Fairview, Quezon City - Philippine Red Cross - QC

Photo: Pickup truck na nang-araro sa Brgy. North Fairview, Quezon City - Philippine Red Cross - QC



Isang ginang ang nasa kritikal na kondisyon habang nasa tatlo iba pa ang sugatan makaraang mang-araro ang pickup truck sa Brgy. North Fairview, Quezon City umaga ng Miyerkules.


Sa paunang impormasyon, nawalan umano ng kontrol ang pickup truck alas-9 ng umaga at sunud-sunod na sinalpok ang isang tricycle, school service at poste ng kuryente.


Hindi rin nakaligtas ang isang estudyanteng naglalakad sa gilid ng kalsada na nahagip ng sasakyan.


Nabatid na sakay ang ginang sa traysikel nang araruhin sila ng sasakyan habang sugatan din ang drayber ng nakabangga sa kanila.


Patuloy na inaalam ang dahilan ng aksidente, partikular kung paano nawalan ng kontrol ang drayber sa sasakyan nito.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page