top of page
SPECIAL - SERIES NINA IAN AT HARVEY TUNGKOL SA DRUG WAR, IPINA-STOP SA YOUTUBE_FB Rhein En

'Di na raw natutulog... PBBM, tagalinis ng kalat ni Duterte

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Mylene Alfonso @News | October 8, 2026



Atty. Claire Castro at Atty. Paolo Panelo - PCO - FB

Photo: Atty. Claire Castro at Atty. Paolo Panelo - PCO - FB



Hindi maaaring basta balewalain na lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kontrobersiyang naganap sa nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Ito ang reaksyon ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro kaugnay sa naging pahayag ni Atty. Salvador “Paolo” Panelo Jr. tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte na umano’y inaakusahan ang administrasyong Marcos na ipinapasa sa mga Duterte ang sisi sa mga problema ng kasalukuyang pamahalaan, kabilang ang korapsyon.


“Ang Pangulo, hindi natutulog sa isyu ng korupsiyon. Siya ang naglilinis sa kalat na ginawa ng nakaraang administrasyon. ‘Mahiya naman kayo.’ Iyan ang sabi ng Pangulo," diin ni Castro sa press conference sa Singapore.


"Na hindi naganap at hindi nangyari sa panahon ni dating Pangulong Duterte, kahit alam niya na maraming ghost projects,” wika pa ni Castro.


Kabilang sa binanggit ng Palasyo ang mga isyu sa Philippine offshore gaming operators (POGOs), Pharmally controversy at mga pahayag noon ni dating Pangulong Duterte tungkol sa tinaguriang “ghost projects.”


Binigyang-diin din ng Palace official na hindi maaaring ipikit ng kasalukuyang administrasyon ang mga mata sa mga alegasyong kailangang imbestigahan.

“Ano ang ginawang pag-iimbestiga sa mga korupsiyong naganap noon? So ngayon, sino ang hindi alam ang issue tungkol sa corruption? At ang principal niya mismo ay nasusuong sa isyu ng corruption. Kaya nga po dinidinig,” ani Castro.


“Hindi po naman puwedeng hindi balikan ang mga basura ng nakaraang administrasyon,” aniya.


“Hindi niya maipipikit ang kanyang mata sa ghost projects na inamin ni dating Pangulong Duterte. Ano ang gagawin natin doon? Pipikit tayo? Magbubulag-bulagan tayo? Magbibingi-bingihan tayo?” hirit ni Castro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page