Sumakay ng jeep maikot lang… BONG, IDINISPLEY ANG SUPER-LAKING HACIENDA NG PAMILYA
ni Nitz Miralles @Bida | March 18, 2023

Napanood namin ang ilang bahagi ng pa-Farm Tour ni Senator Bong Revilla, Jr. sa hacienda ng kanilang pamilya na tinawag nilang "Hacienda Azucena" at nakapangalan ito sa mom nina Bong.
Malawak ang hacienda na nasa Silang, Cavite at kinailangang sumakay ni Bong ng jeep para ikutin ang Hacienda Azucena.
Ipinakita ang maraming manok na inaalagaan sa hacienda, may ostrich pa, at sabi ni Bong, may mga baka, kambing, sheep at kabayo pa silang pagmamay-ari. Sari-sari rin ang tanim sa kanilang hacienda, may Japanese corn, sweet corn at may pinyahan pa.
Ayon sa katiwala, 11,000 ang pinyang nakatanim at ‘yun daw ang pinakamaliit sa area na ‘yun.
Very proud si Bong sa Hacienda Azucena at ipinakita ang mansion ng parents niya na ipinapa-renovate raw nila. Ipinakita rin ang firing range at ang kabuuan ng hacienda.
Speaking of Bong, pinangunahan nito ang Bayanihan relief operations sa mga bayan ng Bulalacao, Roxas, at Pinamalayan sa Oriental Mindoro na apektado ng oil spill.
“Sobrang nakakalungkot po ang kasalukuyang nangyayaring oil spill sa Mindoro. Mahirap lang po makita na hindi lang kalikasan ang apektado, kundi buhay n'yo ring mga kababayan ko. Dahil sa nangyaring sakuna na ito, hindi makapalaot ang ating mga mangingisda dahil wala namang isda na mahuhuling ligtas para kainin. Sobrang laki ng pinsala nito sa buhay ng mga taga-Oriental Mindoro,” ayon kay Bong sa pakikipag-usap sa mga taga-Mindoro.
Namigay ng cash assistance at food packs si Bong sa mga apektadong pamilya para sila’y matulungan. Kasama niya sina Gov. Humerlito Dolor, Bulalacao Mayor Ernili Villas, Roxas Mayor Leo Cusi, at Pinamalaya Mayor Aris Baldoz, Jr..
Tumuloy si Bong sa mga bayan ng Naujan at Pola para mamigay pa rin ng assistance sa mga naapektuhan ng oil spill.





Comments