Suko na sa TAPE?! JOEY, 'DI GINAMIT ANG EAT BULAGA SA PAGLIPAT NG TVJ SA TV5
- BULGAR
- Jun 16, 2023
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 16, 2023

Ramdam na malapit na malapit na ang pagbabalik-telebisyon ng TVJ at this time ay sa TV5 na nga mapapanood ang kanilang noontime show.
Ang tanong at inaabangan lang talaga ng lahat ay kung Eat… Bulaga! pa rin ba ang gagamiting title ng kanilang show o ang bago nang kumakalat na This Is Eat.
Kahapon ay nag-post si Joey de Leon sa kanyang Instagram account ng isang video clip ng theme song ng Eat… Bulaga!.
Maikli lang ang video na nakaka-goosebumps, kaya ang daming netizens na nag-react na nami-miss na nila ang TVJ at ang Eat…Bulaga!.
Kapansin-pansin lang sa naturang video na hindi nabanggit sa dulo ng kanta ang "Eat… Bulaga!"
Sinadya kayang bitinin ang madlang pipol kung ano'ng magiging title ng noontime show ng TVJ sa TV5 or tanggap na nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon na hindi talaga nila magagamit ang title ng Eat… Bulaga! dahil kine-claim nga ng mga Jalosjos na sila ang nagpa-copyright nito?
Isa pang napansin namin sa naturang video na in-upload ni Joey ay ang naka-puting t-shirt na lalaki na nakatalikod na naglalakad, na ang tingin namin at kung 'di kami nagkakamali ay si Alden Richards.
So, napaisip tuloy kami kung kasama ba si Alden sa mga mapapanood sa pagbabalik-noontime show ng TVJ sa TV5, eh, ang alam namin ay may kontrata pa ito sa GMA-7?

Samantala, nag-viral na rin ang video at photos ng pagtapak nina Tito, Vic at Joey at maging ng mga Dabarkads na kinabibilangan nina Ryan Agoncillo, Allan K., Jose Manalo at Wally Bayola sa studio ng TV5 sa Reliance Center sa Mandaluyong.
Makikitang naging mainit ang pagtanggap sa TVJ at Dabarkads ng kanilang mga bagong 'Kapatid' at base sa reaksiyon ng mga netizens, marami na ang excited na mapanood ang pagbabalik ng mga original hosts ng Eat… Bulaga!.
Kaya tiyak na malaking sampal sa kampo ng mga Jalosjos at sa mga nagsasabing laos na sina Tito Sen, Bossing Vic at Joey kaya sila pinalitan bilang mga hosts ng EB!, dahil kitang-kita naman na trending lagi at sinusubaybayan ng bayan ang mga balita at updates tungkol sa kanila.
Pero comment lang ng ibang netizens, sana ay mag-move on nang pare-pareho ang TVJ at ang TAPE at mag-focus na lang sa kani-kanilang show, 'wag nang magpatutsadahan sa interviews o social media dahil nakakaumay na rin daw ang away ng dalawang kampo.
Sa panahon ngayon, pure entertainment ang kailangan ng marami, hindi nega vibes.
Mga Marites lang daw ang nag-e-enjoy sa mga ganyang galawan ng TVJ at TAPE.
Well… hintayin na lang nating bulagain tayo ng TVJ sa kanilang pagbabalik-telebisyon soon!
Gumradweyt sa edad na 46…
JHONG HILARIO, MAGNA CUM LAUDE SA KURSONG POLITICAL SCIENCE

Inulan ng maraming papuri mula sa mga kapwa celebrities and fans ang Instagram post ng It's Showtime host na si Jhong Hilario, kung saan proud niyang in-announce na naka-graduate na siya ng college sa kursong AB Political Science.
Yes, at the age of 46, naka-graduate rin si Jhong ng college!
And take note, hindi lang siya basta nakapagtapos, dahil he graduated Magna Cum Laude lang naman sa Arellano University.
Nakakaaliw nga si Jhong na nagpasampol pa ng sayaw sa stage after abutin ang kanyang diploma.
Anyway, patunay lang ito na it's never too late talaga kung gusto mong makapagtapos ng pag-aaral at maabot ang iyong mga pangarap.
Tulad ni Jhong, nauna mang maging dancer-TV host-actor at politician, tinupad pa rin ang pangarap niya at ng mga magulang na makapagtapos siya ng college.
Congrats, Jhong! For sure, pati ang kanyang It's Showtime family ay sobrang happy and proud para sa kanya.
Commentaires