Subuan nila ni Elijah, kumalat… ANDREA, GUSTONG MAGSORI, DINEDMA NI MILES
- BULGAR
- Dec 15, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | December 15, 2023

Kumakalat nga ang tsikang sinubukan umano ni Andrea Brillantes na tawagan si Miles Ocampo matapos lumabas ang video nito kasama si Elijah Canlas.
Ang naturang video ay tila kuha during a light moment sa series na Senior High na may nagkakatuwaan habang nagsusubuan ng pasta sina Andrea at Elijah.
Hindi namin napanood ang naturang video na isa raw sa mga naging rason ng hiwalayan din nina Miles at Elijah pero sabi ng mga malisyoso, kaselos-selos daw ang eksena.
And yes, hindi na rin umano in-entertain pa ni Miles ang sinasabing pagtawag ni Andrea para raw mag-sorry ito sa ngayo'y ex-GF na ni Elijah.
Kapwa hindi pa nagbibigay ng komento sina Miles at Elijah sa isyung ito.
Noong grand mediacon ng MMFF entry na A Family of Two kung saan si Miles ang love interest ni Alden Richards sa movie, nagawang pakiusapan ni Miles ang mga nangungulit na marinig ang reaksiyon niya.
Meanwhile, iwas na iwas din daw si Elijah na sagutin ang tsismis dahil lagi raw itong in character either bilang si Archie Aguerro sa Senior High o kaya'y si Paciano Mercado Rizal sa MMFF entry namang Gomburza.





Comments