top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Substitution ng mga kandidato, dapat ipagbawal na!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 27, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 27, 2021



"ENDORSEMENT" NI MAYOR SARA KAY MARCOS, 'SUSULUTIN' NI BATO?--Isang araw matapos iendorso ni Mayor Sara Duterte-Carpio sa Cebu ang kandidatura for president ni former Sen. Bongbong Marcos ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), nagtungo sa Davao City si PDP-Laban presidential candidate Sen. Ronald "Bato" dela Rosa at pinost sa social media na kasama niya sa larawan ang presidential daughter.


Sa galaw ngayon ni Sen. Dela Rosa, tila gusto pang sulutin kay Marcos ang endorsement ni Mayor Sara.


Akala ng publiko, nang mag-file si Sen. Dela Rosa ng candidacy for president ay joke lang, pero sa mga kilos niya ngayon ay mukhang sineryoso na siya, boom!


◘◘◘


BOTO NG DDS, MAHAHATI KINA MARCOS AT BATO--Ang palusot ni Sen. Dela Rosa ay pinaalala lang niya kay Mayor Sara ang substitution date, o last na ng substitution sa Nov. 15, 2021.


'Yan ang palusot na hindi kapani-paniwala kasi ilang beses nang sinabi ni Mayor Sara na never siyang tatakbong pangulo, gusto lang niya maglingkod sa Davao City para sa kanyang last term for mayor.


Ang toto niyan, nabahala lang si Sen. Dela Rosa kasi kapag hindi niya nakuha ang endorsement ni Mayor Sara ay mahahati ang boto ng mga DDS, ang mangyayari na ang paksiyon ng mga DDS na pro-Sara ay si Marcos ang iboboto, at ang paksiyon ng mga DDS na pro-P-Duterte, 'yun lang ang mga boboto sa kanya, period!


◘◘◘


DAPAT LANG IPAGBAWAL NA ANG SUBSTITUTION CANDIDATE PARA WALA NA SA MGA PULITIKO ANG MAG-FEELING SPECIAL SA FILING NG CANDIDACY--Matapos maghain ng panukala si Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na ipagbawal na ang substitution sa mga kandidato ng hanggang Nov. 15 dahil nagmimistulang kenkoy na raw ang filing ng candidacy ng mga kandidato ay naghain na rin ng ganitong panukala ang limang senador.


Dapat lang kasi sa totoo lang, ang ibang kandidato, lalo na sa mga presidentiables ay nagpapaka-espesyal pa at ginagawang gimik ang substitution na kesyo may clamor ang tao kaya napilitang kumandidato for president, boom!


◘◘◘


MGA PULITIKONG GAHAMAN SA KAPANGYARIHAN, IPAGBAWAL NA RIN--Hindi lang substitution ng candidate ang dapat ipagbawal, kundi pati ang mga political dynasty o magkakapamilyang pulitiko na sabayang kumakandidato na feeling ay family corporation nila ang mga puwesto sa gobyerno.


Sa totoo lang, isa sa nagpapahirap sa mamamayan at sa bansa ay ang mga pulitikong gahaman sa kapangyarihan, period!




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page