Subpoena lang para sa senador — Jonvic... Bato, ‘di aarestuhin
- BULGAR

- 3 days ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | May 11, 2026

Photo: Sen. Bato Dela Rosa at Jonvic Remulla - FB
Nilinaw ni Interior Secretary Jonvic Remulla na hindi aarestuhin si Senador Ronald "Bato" dela Rosa kundi isisilbi lamang ang subpoena ng DILG sa kanya na takdang ilabas ngayong araw ng Lunes, May 11.
Ayon kay Remulla, layunin ng subpoena na pagpaliwanagin lamang ang senador kaugnay ng mga nakabinbing reklamo laban sa kanya kaugnay sa drug war.
"There is no credible information of an impending warrant of arrest from the ICC or Interpol, this is a separate matter," ayon sa kalihim.
Kailangan umanong humarap si Dela Rosa sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) bilang bahagi ng patuloy na imbestigasyon kasunod ng kumakalat na balitang may warrant of arrest umano mula sa International Criminal Court (ICC).
He was the tip of the spear in the EJK drive. So we will start with him and investigate down further,” dagdag ni Remulla.
Nilinaw din ng opisyal na ang imbestigasyon ay internal lamang at walang kinalaman sa ICC.
“We are not a member of the ICC. We are not working with the ICC. This is a purely internal matter that we are doing,” saad nito.
Giit pa ng kalihim, bilang isang senador ay igagalang si Dela Rosa sa proseso at ang hakbang ay subpoena lamang, at wala ring paggamit ng posas.





Comments