Style ni Maris noon para mapalapit sa singer, ginagaya… RICO, HINAHABOL NA ULI NG MGA BABAE

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 24, 2024

Alam kaya ni Maris Racal na matapos niyang aminin na break na sila ng singer/composer na si Rico Blanco ay dumagsa ang mga young singers na gustong makipag-collab sa kanyang ex-boyfriend, at talagang ang iba ay idinaan pa sa social media ang panawagan upang mapansin sila ni Rico?
Ginawa ito noon ni Maris nang nakapag-compose siya ng isang awitin at nanawagan na gusto niyang maka-collab si Rico para sa kanyang composition at pumayag naman ang dating vocalist ng Rivermaya. Doon nagsimula ang kanilang love story na tumagal ng 5 years.
Well, maraming kababaihan ang kinikilig pa rin kay Rico kahit 51 years old na siya ngayon dahil malakas pa rin ang kanyang sex appeal. Pero, hindi ganu’n kadaling palitan sa kanyang puso si Maris Racal.
Ganunpaman, aabangan ng lahat ang babaeng muling magiging bahagi ng buhay ni Rico Blanco.
Marami sa mga nakapanood kay Bianca Umali nang mag-host siya sa nakaraang 40th Star Awards for Movies ang nagsasabi o nagpapayo na sana raw ay medyo magdagdag naman siya ng timbang. Kulang na nga siya sa height ay payat na payat pa.
Morena beauty si Bianca at mas lulutang ang kanyang ganda kung medyo magkakaroon ng laman ang kanyang katawan na makakadagdag sa kanyang appeal.
Sabi tuloy ng ilang netizens, baka takot si Bianca na tumaba kaya mas gusto niya ang ‘petite look’ na mala-ramp model.
Well, hindi kaya naiinggit siya sa mga kasabayan niyang Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Kyline Alcantara atbp.. na may korte ang katawan at nakakapagsuot ng mga sexy outfit?
Pasado naman sa boyfriend niyang si Ruru Madrid ang body figure ngayon ni Bianca, kaya kuntento na rin siya sa kanyang pagiging petite.
KINARIR nang husto ni Aiko Melendez ang pagho-host sa ginanap na PMPC 40th Star
Awards for Movies. Marami ang napa-wow sa mga gowns na kanyang isinuot dahil lumutang ang kanyang ganda at sexy figure, kaya si Aiko rin ang napiling Star of the Night.
Well, maging sa 3rd SONA ni PBBM sa Batasang Pambansa ay napakasosyal at elegante rin ang isinuot na gown ni Konsehala Aiko. Hindi siya nagpahuli sa ibang fashionista sa Senado.
Marami rin ang nakapansin na blooming ngayon si Aiko dahil masaya ang love life niya ngayon at meron siyang career.
Kauumpisa pa lang umere sa Kapamilya Network ng Pamilya Sagrado pero tuloy pa rin ang kanyang pagiging public servant. Wala na ngang mahihiling pa si Aiko Melendez sa buhay niya ngayon. Wish naman ng kanyang mga fans at supporters ay mabigyan siya ng pelikulang magiging challenge sa kanyang kakayahan bilang aktres.
Todo-lambingan in public, friends lang daw…
KOBE AT KYLINE, DENIAL KING AT QUEEN, DUROG SA NETIZENS

BINA-BASH ngayon ng mga netizens sina Kyline Alcantara at Kobe Paras dahil sa kanilang patuloy na pagde-deny sa real status ng kanilang relasyon. ‘Special friend’ kasi ang tawag nila kapag tinatanong sila ng media.
Pero, iba naman ang kanilang ikinikilos kapag magkasama, super sweet at laging magka-holding hands kahit nasa public place. Ganu’n na ba ang galawan ngayon ng mga ‘special friends’?
Bakit kasi kailangang itago pa nina Kyline at Kobe ang tunay nilang relasyon? Makakaapekto ba ito sa kani-kanilang career? Tuloy, marami ang nagsasabing hindi naman magtatagal ang relasyong Kyline Alcantara at Kobe Paras.





Comments