Strong woman at mature na raw, Sharon… KC, INALIS NA ANG TAMPO SA PAMILYA
- BULGAR
- Apr 13, 2022
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 13, 2022

Hindi na gaanong pumapatol sa mga bashers si KC Concepcion. At the age of 37, dumating na siya sa punto na pinalalampas na lang niya ang mga panlalait at body shaming na kanyang natatanggap.
Hindi na rin big issue sa kanya ang kawalan ng love life ngayon. 'Yun ang madalas na pinakikialaman ng kanyang mga bashers na nakaabang lagi sa mga kaganapan sa kanyang buhay.
Para kay KC, basta marami siyang tapat na kaibigang dumaramay kapag may problema siya ay sapat na upang maging masaya, kuntento at panatag siya sa buhay.
Sa ngayon, ang kanyang jewelry business ang tinututukan ni KC at pinatunayan na rin niya na kaya na niyang mamuhay nang mag-isa at gawin ang mga bagay na makakatulong upang maabot niya ang kanyang mga pangarap sa buhay.
It seems tanggap naman ni KC kung hindi man niya madalas na nakakasama at nakaka-bonding ang kanyang Mama Sharon at ang mga kapatid. Inalis na ni KC sa kanyang puso ang mga tampo niya noon sa kanyang pamilya. Ngayong mature na siya ay tinuruan niya ang kanyang sarili na maging strong woman na hindi basta sumusuko sa mga pagsubok ng buhay.




Comments