STREETBOYS, NAG-REUNION PAGLAYA NI VHONG
- BULGAR
- Dec 17, 2022
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | December 17, 2022

Timing ang pansamantalang paglaya ni Vhong Navarro at ang pagbabakasyon ni Spencer Reyes sa 'Pinas matapos manirahan sa Scotland nang pitong taon.
Nagkaroon ng reunion ang orig na grupo ng Streetboys. Masayang nagkita-kita ang dance group na binubuo ng 8 miyembro — sina Vhong Navarro, Spencer Reyes, Maynard Marcellano, Joey Andres, Chris Cruz, Michael Sesmundo, Joseph de Leon at Micko Manalo.
Si Spencer, nang umalis sa Streetboys ay nagtrabaho na sa Scotland bilang nurse at bus driver. Si Maynard na leader ng Streetboys ay 4 taon namalagi sa London nang maging bahagi ng Ms. Saigon. Based na siya ngayon sa Singapore.
Si Joseph naman ay isa nang certified Zumba instructor. Si Micko ay lumalabas sa TV at pelikula at aktibo rin sa Tiktok. Samantala, si Joey ay nagtuturo ng dance sa online community. Si Michael naman ay based na sa UK. Si Chris ay magaling ding singer bukod sa mahusay sumayaw.
Masaya ang lahat ng miyembro ng Streetboys sa paglaya ni Vhong Navarro at pag-uwi ni Spencer Reyes dahil nagkaroon sila ng chance na mag-reunion.
Muli nilang ginunita at binalikan ang masasayang araw nila noon na nadiskubre sila ni Direk Chito Roño. Si Vhong ang sumikat sa kanila nang husto dahil naging comedian-host ito.
Sa ngayon ay nag-a-adjust pa si Vhong sa kanyang buhay na malaya kapiling ang asawa't mga anak. Nagpapasalamat si Vhong sa suporta sa kanya ng Streetboys.





Comments