top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Street vendors, hindi sisitahin ngayong Kapaskuhan

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 29, 2021
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | October 29, 2021



Upang makatulong sa mga street vendor na labis na naapektuhan ng pandemya, magluluwag ng patakaran ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Kapaskuhan.


Kamakailan, ipinag-utos ni MMDA Chairman Benhur Abalos na huwag kumpiskahin ang mga paninda ng mga vendor na ilegal na magbebenta sa mga kalsada ngayong Pasko upang makabangon aniya ang mga ito na umaaray dahil sa pandemya.


Matatandaang sa isang resolusyon na inilabas noong 2002, kinukumpiska ang mga paninda at P500 ang multa sa unang offense. Sa ikalawang offense, P1, 000 naman ang multa at kung walang pambayad, isang araw na community service ang kapalit.


Ngunit paalala ng opisyal, kung pangalawa o ikatlong offense, kailangan na umanong disiplinahin ang lalabag.


Sisitahin ang mahuhuling vendor sa unang paglabag. Pero hinimok niya ang mga vendor na makipag-usap sa mga lokal na pamahalaan at MMDA upang malaman kung saan sila puwedeng magbenta.


Kung tutuusin, malaking tulong ito sa mga kababayan nating nagsisikap na makapaghanapbuhay sa kabila ng krisis pangkalusugan. Pero ang tanong, ano naman ang gagawin kung nakaaapekto na sa mga motorista at naglalakad ang mga nagtitinda?


Sana lang, mabigyan ng tamang puwesto ang mga nagtitinda upang walang maging aberya.


Wala tayong ibang hangad kundi makatulong sa bawat isa habang patuloy na nilalabanan ang pandemya, kaya sana lang, magawa natin ito nang matiwasay at nang walang napeperhuwisyo.



Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page